Love story nina Sheryn Regis at Mel de Guia nagsimula sa 'one hello': 'Nag-order lang po ako ng boodle fight...tapos yun na' | Bandera

Love story nina Sheryn Regis at Mel de Guia nagsimula sa ‘one hello’: ‘Nag-order lang po ako ng boodle fight…tapos yun na’

Ervin Santiago - June 18, 2023 - 08:35 AM

Love story nina Sheryn Regis at Mel de Guia nagsimula sa 'one hello': 'Nag-order lang po ako ng boodle fight...tapos yun na'

Mel de Guia at Sheryn Regis

LITERAL palang nagsimula ang love story ng proud LGBTQ couple na sina Sheryn Regis at Mel de Guia sa “one hello.”

In fairness, kinilig ang members ng entertainment media sa kuwento nina Sheryn at Mel kung kailan sila nagkakilala at kung paano nag-start ang ang kanilang relasyon.

Knows n’yo ba na walang nangyaring ligawan sa kanila? Nang maramdaman nilang gusto nila ang isa’t isa at na-feel nila ang “magic” ng pag-ibig — yun na yun!

Taong 2021 nang lumantad sa publiko si Sheryn at ibinandera ang tunay niyang kasarian kasabay ng pagpapakilala niya kay Mel bilang bago niyang partner sa pamamagitan ng mga sweet photos nila together sa Instagram.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento ni Sheryn, umorder daw siya ng “boodle fight” online na pagmamay-ari ni Mel. Hindi raw niya alam kung bakit bigla siyang nagkainteres na bumili nito dahil unang-una hindi naman siya lumalafang ng karne.

At siya pa raw ang personal na tumawag sa online business ni Mel na first time rin niyang ginawa sa buong buhay niya. Kadalasan kasi ay inuutos lamang niya ang pag-order sa mga online store.

Kuwento naman ni Mel na siya na ngayong tumatayong manager ni Sheryn, “So sa one hello po talaga nag-start and then siyempre ako po kasi nasa nagbi-business ako.

Baka Bet Mo: Sheryn Regis, Mel De Guia isang taon nang magdyowa: My heart leaps with joy!

“Ako po talaga ‘yung nagde-deliver. Personal akong nagde-deliver para mas dumami ‘yung customers ko, kasi word of mouth po ‘yung gamit ko at the same time sa social media,” chika ng content creator.

Patuloy pa niya, “Parang ang gaan lang po agad ng pakiramdam. May ganoon po, ‘di ba tayo sa tao na parang ang bilis po mag-open up parang ‘yung pakiramdam ko pwede kong i-open sa kanya na hindi ako idya-judge.

“Kasi ‘di ba ganoon po ‘yun parang nagho-hold ka ng mga bagay na ang bigat-bigat pero hindi mo masabi. Sa kanya nagawa ko ‘yun and then siya rin. Then the rest is history na parang walang ligawan na nangyari,” pagbabahagi pa ng negosyante.

Sey naman ni Sheryn, “Saka ‘yung parang alam mo ‘yun naging parte kami sa isa’t isa. I don’t know that time bakit kaya anong naisip ko at nag-order ako ng pang-boodle fight. Eh, ano lang naman, sa condo ako nakatira kasama ko ‘yung kapatid ko.

“Ang iniisip ko lang pwede ko ipamigay ‘to kasi nga pandemic, papa-deliver ko sa mga friend and then sabi ko papadala ko rin sa Tandang Sora, sa bahay. Hanggang sabi ko parang maganda ‘tong boodle fight na ‘to, ma-try nga.

“So tinawagan ko and I called her kaya sabi ko ‘can I order?’ and I ordered ‘yes po’ kasi English daw. First time ko mag-order like hindi ako nagpapa-order sa ibang tao or hindi ako nag-uutos.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sabi ko ano kaya nasa isip ko pero hindi ko alam na siya pala ‘yung may-ari kasi siyempre contact number lang so sabi ko ‘is this Mel?’ pero hindi ko alam na LGBT siya, wala.

“Nahihiya lang kasi ako, ‘This is Sheryn. Sorry I don’t know how to order, how to place my payment’ something like that. Hanggang sa ayun pumunta, nagkita na kami and then the rest is history,” lahad pa ni Sheryn sa naganap na presscon para sa kanyang “All Out” 20th anniversary concert tour.

Matatandaang inamin din ng anak ni Sheryn na si Sweetie sa “Magandang Buhay” na isa rin siyang member ng LGBTQIA+ community.

“Ang initial reaction ko po when my mom came out, at first I was very surprised kasi my mom never really showed a sign that she was in a closet. And around that time I was also confused about my sexuality and my self-identity.

“I was a young teenager when she first came out to me. Since then when my mom came out to me, I actually had the guts and comfort to come out to her and my dad as bisexual,” pahayag ni Sweety.

Kamakailan, ni-release na rin ang bagong album ni Sheryn na “She” under Star Music kung saan nakapaloob ang kanyang hit single na “Gusto Ko Nang Bumitaw.”

Bukod dito, may bonggang collab din sila ni JMRTN ng REtrosPECT para sa kantang “Respeto.”

Si Mel din ang producer ng upcoming concert ni Sheryn na “All Out” na gaganapin sa Music Museum sa darating na July 8.

Love story nina Sheryn Regis at Mel de Guia nagsimula sa ‘pagkain’: ‘Sabi ko ‘scam’ yata ito…’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#MayHimala: Sheryn Regis naka-survive sa thyroid cancer; wala pang planong magpakasal at ‘magkaanak’ kay Mel de Guia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending