Sheryn Regis sinabihan ng basher na 'Mamamatay na yan'; Dessa sanay nang tinatawag na 'pangit' | Bandera

Sheryn Regis sinabihan ng basher na ‘Mamamatay na yan’; Dessa sanay nang tinatawag na ‘pangit’

Reggee Bonoan |February 06,2023
facebook
share this

Sheryn Regis sinabihan ng basher na ‘Mamamatay na yan’; Dessa sanay nang tinatawag na ‘pangit’

Reggee Bonoan - February 06, 2023 - 01:27 PM

KANYA-KANYANG kuwento sina Dessa, Kakai Bautista at Sheryn Regis tungkol sa mga hindi nila malilimutang karanasan bilang mga performer.

Sa “Magandang Buhay” episode nitong Biyernes ay guest ang mga naturang “diva” na talagang humahataw pagdating sa biritan tulad.

Ang topic para sa tatlong singers ay kung ano ang mga masasakit na salitang natanggap nila mula sa bashers at isa-isa naman nila itong sinagot.

Ayon kay Sheryn, sinabihan siya ng “Mamatay na ‘yan” dahil ito panahong nagkaroon siya ng cancer sa lalamunan pero ngayon ay magaling na siya.

Sabi ni Sheryn, hindi lang daw iyon basta bashing kundi isa nang curse.

Ayon kay Dessa, sinabihan daw siya ng “pangit.” Pero katwiran naman ng mang-aawit ay sanay na siya dahil simula pa lang daw nu’ng nagsisimula siya sa kanyang singing career ay sinasabihan na siya ng chaka.

“Ilusyunada” naman daw ang tawag kay Kakai dahil lahat ng lalaking personalidad na na-link sa kanya ay pawang mga guwapo tulad ni Ahron Villena at ang Thai actor na si Mario Maurer.

Pero ang katwiran ng Dental Diva ay inggit lang sa kanya ang bashers dahil sa kanyang over-over na self-confidence niya.

Kasunod nito, napag-usapan nga ang orihinal na kanta ni Sheryn na “Gusto Ko Nang Bumitaw” na na-release noong 2021.

Inamin ng isa sa mga host ng programa na si Regine Velasquez na pinahirapan daw siya ni Morissette Amon sa dueto nila sa nasabing kanta sa “ASAP Natin ‘To”.

Sabi ng Songbird, nakalimutan daw niyang kausapin ang banda para medyo ibaba nang konti ang tono nito.

Nabanggit ng isa pa host ng show na si Melai Cantiveros na ni-revive naman ito ni Morisette.

Tawa naman nang tawang ibinahagi ng Asia’s Songbird ang karanasan niya sa pagkanta ng OST ng teleseryeng “The Broken Marriage Vow.”

Kuwento ni Regine, “Sa totoo lang pinagod ako ng kantang to (sabay pakita ang video ng duet nila ni Morisette). ‘Yung isang kumanta nito si Mori parang naghikab lang, eh.

“Alam mo habang kinakanta ko ‘to (iniisip daw niya kung kaya niya) kasi nakalimutan kong sabihing puwede niyong ibaba (tono) kasi 100 years old na ako, ha, ha, ha.  Itatapat n’yo ako kay Mori, jugets (bagets).

“So, kumakanta na ako, in the middle of ‘gusto ko nang bumitaw’ aabot ba ako, mahi-hit ko ba?  Ganu’n ‘yung nasa isip ko tapos parang…sige laban lavarn,” aniya pa.

Sabi naman ni Melai na naabot ni Regine ang tono at lumampas pa raw.

“Pero hirap na hirap ako sa totoo lang,” diin pa ni Songbird.

Related chika:

Sheryn Regis naiyak sa Showtime; may ‘hugot’ sa pag-ibig?

Sheryn Regis umamin na sa relasyon nila ni Mel de Guia; binati ni Ice Seguerra

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dyowa na nga ba ni Sheryn Regis ang YouTuber na si Mel de Guia?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending