Sheryn Regis naiyak sa Showtime; may 'hugot' sa pag-ibig? | Bandera

Sheryn Regis naiyak sa Showtime; may ‘hugot’ sa pag-ibig?

Therese Arceo |October 14,2021
facebook
share this

Sheryn Regis naiyak sa Showtime; may ‘hugot’ sa pag-ibig?

Therese Arceo - October 14, 2021 - 06:50 PM

Nakangiti ang singer na si Sheryn Regis na may maganda at malaking hikay na kulay puti at pabilog ang hugis.

SHERYN REGIS

MUKHANG may pinagdaraanan sa pag-ibig ang singer na si Sheryn Regis na siyang napansin ng mga “It’s Showtime” hosts na sina Kim Chiu at Vhong Navarro habang naglalaro ito sa segment ng “Madlang Pi-poll” kasama sina Frenchie Dy at Bituin Escalante.

Ang tanong kasi ay “Kung sasakay ka sa eroplano, anong biyahe ang mas gusto mo?” na may choices na, ‘yung dadalhin ka sa langit o ‘yung hindi ka iiwan sa ere.

Nang matapos ang pagboto ng madlang pipol, tinanong naman ni Kimmy ang singer at ang sagot nito ay ‘yung hindi ka iiwan sa ere.

“Kasi kung babiyahe ka man mag-isa ka, mahirap. Tsaka iiwan ka pa nang bigla-bigla, gino-ghost ka na niya,” pagbabahagi ng singer.

Agad namang nag-react sina Vhong at Kim dahil tila may hugot ang singer sa salitang “ghosting”.

“Nangyari na ba sa’yo yan? Iniwan ka sa ere?” tanong ni Vhong.

Sa una ay tila nakikisakay si Sheryn at nag-baby talk pa sabay sinabing masakit at bigla na lang daw iniwan.

Nang muling tinanong ni Vhong ang singer kung iniwan siya sa ere, dito na nagsimulang mamugto ang mga mata ng singer ngunit idinaan na lamang ito sa tawa.

Nagbalik naman ang sigla nito dahil tama ang kanilang napili at naisahan nila ang madlang pipol.

Ngunit tila hindi umaayon ang pagkakataon sa singer dahil isang tanong na naman ang tumagos sa kaniya.

Ang sumunod na tanong ay “Ano ang pinakatusok sa ‘yong linya ng kanta?”

“Wala bang mas masakit dyan?” tanong niya kasabay ng pamumuo ng luha sa kaniyang mata.

Napansin naman ni Vhong na naiiyak ang singer at agad itong tinanong kung bakit at sinabing baka puwede itong pag-usapan.

“Minsan mahal mo ‘yung tao, akala mo, mahal na mahal na mahal, pero ‘yung nananaig pala is kailangan, kailangan ka lang kasi convenient lang, parang nakasanayan na.

“Ang pagmamahal at comfort na hinahanap mo, wala na, naging toxic siya,” sagot niya.

Mukhang dito kinuha ni Sheryl ang hugot nito sa kaniyang newest single na “Gusto ko nang Bumitaw.”

Para kay Sheryn, kung umabot na sa ganon ang relasyon ay mas mabuti na lang na magparaya at mahalin ang sarili.

Ito kaya ay konektado sa kaniyang asawang si Earl Echiverri?

Ngayon ay nagpo-focus na ang aktres na mahalin at piliin ang sarili sa kabila ng pinagdaraanan.

Karagdagang ulat:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sheryn Regis natakot bumalik sa Pinas para muling kumanta: Baka wala nang nakakakilala sa akin…
Vin, Sheryn may something nga ba; National costume ni Kisses Delavin trending sa socmed
Mura inaming hindi pa nakakarating ang tulong ni Vhong; may warning sa mga naninira sa kaibigan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending