Vin, Sheryn may something nga ba; National costume ni Kisses Delavin trending sa socmed | Bandera

Vin, Sheryn may something nga ba; National costume ni Kisses Delavin trending sa socmed

Therese Arceo |September 25,2021
facebook
share this

Vin, Sheryn may something nga ba; National costume ni Kisses Delavin trending sa socmed

Therese Arceo - September 25, 2021 - 03:08 PM

PINAGPIPYESTAHAN ngayon ng mga netizens ang litrato nina Vin Abrenica at Sheryn Regis.

Ipinost kasi ng singer bilang IG story ang sweet picture nila ng aktor kung saan makikitang nakayakap ang aktor sa singer na parehas na nakangiti ay nakatingin sa isa’t-isa.

Napapa “What is the meaning of this?” ang mga netizens dahil aware naman ang mga madlang pipol na engaged ang aktor sa aktres na si Sophie Albert. Kamakailan lang rin nang ibahagi ng dalawa ang binyag ng kanilang anak na si baby Via.

Kutob ng netizens, baka raw konektado ang nasabing litrato sa bagong release na single ni Sheryn na pinamagatang “Gusto Ko Nang Bumitaw”.

Siguro daw ay parte ang aktor sa gagawing music video ng aktres para sa kaniyang bagong kanta.

Wala pa namang kompirmasyon ukol dito kaya abangan na lang natin kung bibida nga ba si Vin sa music video ng singer.

***

Maingay ngayon ang pangalan ng ex-PBB housemate at Miss Universe PH 2021 candidate na si Kisses Delavin matapos mag-trending ang litrato nito habang suot suot ang Lapay-inspired national costume na dinisenyo ni Polly Lagyap.

Marami sa madlang pipol ang talga namang napa-wow sa dalaga at tila anghel raw na bumaba mula sa langit ang ganap ni Kisses.

“LAPAY, Masbate’s most symbolic and culturally distinct bird. The white hovering seagull bird or great-billed heron, is one of the most typical and beautiful scenes in barangay Bantigue, Masbate,” saad ni Lagyap sa kaniyang Facebook post.

“The boats laden with abundant fish caught by small-scale fisher folks eagerly awaited by fish buyers and the LAPAYS makes an engaging portrait of the people’s everyday simple way of life,” dagdag pa nito.

Ibinandera ng mga Miss Universe PH 2021 candidates ang kanilang Carnival Queen-themed national costume sa isang virtual event na ipinalabas sa Empire Philippines’ Youtube channel noong Huwebes ng gabi, Setyembre 23.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Setyembre 30 na nga gaganapin ang coronation night.

Sino kaya sa mga natitirang kandidata ang magwawagi ng korona at magrerepresenta ng galing at ganda ng Pilipinas sa buong universe?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending