Sheryn natakot nang umaming bisexual ang anak: Ayoko siyang masaktan
INATAKE ng matinding takot at pag-aalala ang Crystal Voice of Asia na si Sheryn Regis nang aminin ng nag-iisa niyang anak na siya ay bisexual.
Last year, nagdesisyong lumantad sa publiko ang nag-iisang anak ni Sheryn na si Sweety Echiverri sa dati niyang karelasyon na si Earl Echiverri.
Pag-amin ni Sheryn, na isa ring proud member ng LGBTQIA+ community, talagang nagkaroon siya ng pangamba nang umamin ang anak tungkol sa sexual preference nito.
Hindi rin daw kasi naging madali para sa kanya ang mag-come out noon, “Baka madaanan din n’ya ‘yung pinagdaanan ko.
“Ayoko siyang masaktan, ayoko siyang mapagod sa buhay,” ang pahayag ng biriterang singer sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda”.
Actually, teenager pa lang daw si Sweety ay alam na nila ng dating partner ang pagiging bisexual ng kanilang anak pero ibang usapan na raw kapag nalaman na ito ng ibang tao.
“But knowing her life now, I’m so happy for her kasi napili n’ya kung anong gusto n’ya talaga na, you know, I’m not saying for gender or whatever ha? She has her own thing, she has her life now,” pahayag pa ni Sheryn.
View this post on Instagram
Ipinagmamalaki rin daw niya si Sweety na kahit pa sa Amerika lumaki ay madali itong nakapag-adjust sa buhay-Pinas. Ilang taon din kasi silang nanirahan sa US bago bumalik at magdesisyong dito na uli manirahan.
“I’m very proud of her kasi sa lahat ng mga payo ko rin sa kanya bilang nanay, kaya sabi ko nga sa ‘yo, 10 ako bilang nanay, kasi the values of everything like being a Filipino pa rin.
“Hindi ko pinapaano sa kanya na Amerikana or what kasi Pinoy na Pinoy ka,” sey pa ni Sheryn.
Matatandaang taong 2021 nang umamin si Sheryn na isa siyang lesbian at kasunod nito ang pagpapakilala sa content creator na si Mel de Guila bilang karelasyon niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.