Dyowa na nga ba ni Sheryn Regis ang YouTuber na si Mel de Guia? | Bandera

Dyowa na nga ba ni Sheryn Regis ang YouTuber na si Mel de Guia?

Ervin Santiago |December 02,2021
facebook
share this

Dyowa na nga ba ni Sheryn Regis ang YouTuber na si Mel de Guia?

Ervin Santiago - December 02, 2021 - 07:21 PM

Sheryn Regis at Mel de Guia

“LOVE wins!” Yan ang nagkakaisang komento ng mga netizens nang mapanood ang TikTok video ng biriterang singer na si Sheryn Regis at ng vlogger na si Mel de Guia.

Ang tanong ng kanilang social media followers — may namamagitang “something” na nga kaya kina Sheryn at Mel? 

Para sa mga hindi pa masyadong nakakakilala kay Mel, isa siyang YouTuber at proud member ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, at transgender) community.

Una siyang nakilala ng mga netizens dahil sa kanyang YouTube channel na “The Ulagas,” kung saan nakasama niya ang dating partner na si Nicole Mendoza na isang model.

Sa nasabing TikTok video, naunang sumabay si Sheryn sa dub na nagsasabing, “Love yourself.” Bigla namang umapir sa harap ng camera si Mel saka sumabay sa pag-dub at nagsabing, “Tapos ako next.”

Kasunod nito, hinalikan ni Mel si Sheryn sa pisngi at saka sumayaw nang magkayap habang tinutugtog ang kanta ni Rachel Alejandro na “Mr. Kupido.”

Kitang-kita sa itsura at kilos nila ang sobrang kilig sa isa’t isa kaya naman ang paniwala nga ng marami ay magdyowa na ang dalawa. Tanong pa ng ilang netizens kung paano nagsimula ang kanilang magandang relasyon.

Sa comments section ng TikTok entry nina Sheryn at Mel ay sunud-sunod nga ang tanong kung magkarelasyon na ba sila. Walang diretsahang sagot ang YouTuber pero ni-like niya ang lahat ng nagtanong kung magdyowa na sila ni Sheryn.

Pati ang comment ng isang follower nila sa TikTok na may nakakita raw sa kanya last week na may kasamang babae ay ni-like ng proud LGBTQ+ member.

Napansin din ng netizens na magkapareho ang lugar sa TikTok video ni Mel sa latest Instagram Story naman ni Sheryn.

View this post on Instagram

A post shared by Sheryn Regis (@sherynregis)


Hindi pa man kinukumpirma nina Mel at Sheryn ang tunay na estado ng kanilang relasyon ay marami na ang nag-congratulate sa kanila at tinawag pa nga ang kanilang TikTok video na “jowa reveal.”

Samantala, may ilang comments naman kaming nabasa na masaya na raw ngayon ang ex partner ni Mel na si Nicole sa piling ng bago nitong karelasyon na isang miyembro ng U.S. Air Force.

Kung matatandaan, halos 20 taong nanirahan si Sheryn sa Amerika at doon namuhay kasama ang kanyang pamilya. Bumalik lamang sa Pilipinas last year at nagsimula muling mag-perform at mag-recording.

Sa isang panayam sa kanya noong kababalik lamang niya sa bansa ay nagpahiwatig siya na hiwalay na sila ng kanyang asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging official statement nina Sheryn at Mel tungkol sa tunay nilang relasyon — magkaibigan lang ba o nagkaibigan na? 

Sheryn Regis naiyak sa Showtime; may ‘hugot’ sa pag-ibig?

Sheryn Regis natakot bumalik sa Pinas para muling kumanta: Baka wala nang nakakakilala sa akin…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending