Mel De Guia hindi nakapagtimpi, pumatol sa ‘utak ipis’ na fan ni Morisette Amon
HINDI napigilan ni Mel De Guia, partner ni Sheryn Regis ang pumatol sa tagahanga ni “Asia’s Phoenix” Morisette Amon dahil tila pinagsasabong nito ang dalawang Cebuana singers.
Ito ay may kaugnayan sa naging rendition ng dalawa sa kantang “Gusto Ko Nang Bumitaw” na talaga namang nag-trending sa madlang pipol.
Nitong Oktubre 18 ay ibinahagi ni Mel sa kanyang Twitter account ang screenshot ng isang fan ni Morisette na tila nilalait lait at minemenus ang career ng kanyang partner na si Sheryn na tinaguriang “Crystal Voice of Asia”.
“Opo! Marunong po ako pumatol sa mga utak ipis na to! Inaano ba kayo ni Sheryn? Mori mga fans mo, nalimutan ata itake ang GMRC,” tweet niya.
Ayon kasi sa netizen, “Tinatanong pa ba kung sino mas magaling sa 2? Bakit di mo itanong kung bakit biglang nabuhay at nagkaroon ng honor ang kanta ni Sheryn na Gusto Ko Nang Bumitaw naging Philippines Best Theme Song of Drama Series Broken Marriage Vow at hanggang ngayon ay trending pa rin at 7 million views na ata eh! Patay na ang kanta ni Sheryn na yan at matagal ng limot ng mga music lovers at nagkapera pa muli si Sheryn dahil sa revival ni Morisette!”
Dagdag pa ng netizen na marahil nakapagpainit ng ulo ni Mel, “Hindi nga niya napasikat ang kanta niya at pati ang career niya eh down na din! Dapat nga siya ang magpasalamat ke Morisette. Swerte pati yung composer ng Gusto Ko Nang Bumitaw. Tiyak malaking pera ang natanggap niya dahil muling sumikat ang kanta niya at patuloy pa din nagtetrend ang kanta means money.”
Kaya naman hindi na nakapagtimpi ang partner ni Sheryn at tinalakan ang basher.
“Seems like you don’t know what really happened. 1st, what money are you talking about? Mukhang di mo talaga alam ang industry nila,” saad ni Mel.
“2nd, nirelease ni Sheryn yang kanta nya OCT 2021 then 2 months lang they decided na gawing Themesong ng TBMV at ipakanta kay Morisette. Hindi pa napropromote masyado yung single dahil may SCHEDULE na tinatawag to promote. Hindi nabigyan ng pagkakataon si Sheryn in short. Why? Dahil ipapalabas na ang TBMV at syempre ayon ang themesong na araw araw mo maririnig kaya tatatak sa isip mo.
“3rd, Comeback sana ni Sheryn yan. Pero ano ginawa ni Sheryn? Nirespeto nya desisyon ng StarMusic na ipakanta kay Morisette yung comeback song sana nya. Kung talagang may alam ka sana alam mo na sariling kwento ni Sheryn yang GKNB kaya nabuo yan. Trinaslate yung journal nya from English to Tagalog at dinagdagan ni Sir Jonathan at binigyan ng kulay pa,” pagpapatuloy pa ni Mel.
Hirit pa niya, “Kaya sino ka para magmagaling at sabihan si Sheryn ng ganyan?? Walang masama mag-idolo sa hinahangaan mo, wag mo lang pagsalitaan ng hindi tama ang kapwa mo dahil lang gusto mo maangat yang pinaglalaban mo.
Opo! Marunong po ako pumatol sa mga utak ipis na to! Inaano ba kayo ni Sheryn? Mori mga fans mo, nalimutan ata itake ang GMRC.
Btw, Di pa ko tapos sa issue ng “BLOCKING” na yan. Sana nainform kami nung magkakaharap at magkakasama naman kami sa DRESSING ROOM. pic.twitter.com/FenDrQsYg9
— Mel de Guia (@meldeguiaaa) October 17, 2022
Sinabi rin ni Mel na tigilan na ang pagkukumpara sa mga artista.
“STOP COMPARING! Ay wait asa pilipinas nga pala tayo kung saan feeling entitled lahat. Kung kaharap ko lang ulit si Morisette ngayon sasabihin ko ang TOTOXIC NG FANS nya. Kayo ang sumisira sa iniidolo nyo. Sana masarap ulam no bukas,” sey pa niya.
Nilinaw naman ni Mel na maayos ang samahan nila ni Morissette lalo na at parehas silang Bisaya.
“Btw [By the way], sobrang goods samin ni Inday Mori, specially kapwa bisaya. To all the fans ni Sheryn and Mori, please be kind. They both deserve the love, support and respect. Ok naman sila at pareho magaling, ba’t pinagsasabong nyo?”
Wala pa namang reaksyon si Morisette hinggil sa naging rude comment ng kanyang tagahanga.
View this post on Instagram
Sa kabila nito, pinasalamatan na noon ng “Asia’s Phoenix” sina Sheryn at Jonathan Manalo para sa pagkakataong ibinigay sa kanya sa pagbibigay-buhay sa naturang kanta.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay kinilala ang “Gusto Ko Nang Bumitaw” bilang “Best Theme Song” sa Asian Academy Creative Awards.
Related Chika:
Dyowa na nga ba ni Sheryn Regis ang YouTuber na si Mel de Guia?
Sheryn Regis umamin na sa relasyon nila ni Mel de Guia; binati ni Ice Seguerra
Sheryn Regis, Mel De Guia isang taon nang magdyowa: My heart leaps with joy!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.