Lani Misalucha ikinumpara sa 'hurricane' at 'super typhoon' ang naging karamdaman: 'Meron siyang iniwan na damage' | Bandera

Lani Misalucha ikinumpara sa ‘hurricane’ at ‘super typhoon’ ang naging karamdaman: ‘Meron siyang iniwan na damage’

Ervin Santiago - August 31, 2023 - 07:28 AM

Lani Misalucha ikinumpara sa 'hurricane' at 'super typhoon' ang naging karamdaman: 'Meron siyang iniwan na damage'

Lani Misalucha

HURRICANE” o “super typhoon” kung ilarawan ni Asia’s Nightingale Lani Misalucha at ng asawa niyang si Noli ang health scare na naranasan nila noong 2020.

Hindi lang basta “bagyo” ang na-experience ng pamilya ni Lani nang magkaroon silang mag-asawa ng bacterial meningitis, isang infection “affecting the membranes protecting the brain and spinal cord.”

Binalikan ni Lani ang pagkakasakit nilang mag-asawa sa interview ng “Updated with Nelson Canlas” podcast kamakailan.

“Each time na nag-e-explain si Papa Nols sinasabi niya na kungbaga sa isang hurricane or isang bagyo.

“Dinaanan ka ng bagyo, nu’ng dumaan ‘yung bagyo, umalis na ‘yung bagyo, wala na ‘yung bagyo pero meron siyang iniwan na damage parang ganu’n,” pahayag pa ni Lani.

Dagdag pa ng award-winning singer-performer, “So nandito ‘yung damage, wala na ‘yong meningitis, ‘yung bacterial meningitis pero may iniwan siyang souvenir.”

Naibahagi rin ni Lani na matinding sakit talaga ang naramdaman niya nang dahil sa kanilang health condition, sa katunayan, pareho sila ng asawa na nawalan ng pandinig.

Kuwento pa ni Lani, dumating pa sa point na pareho rin silang nag-wheelchair para magawa o maabot ang isang bagay.

Aniya pa, isang handyman si Noli at kaya niyang magtanggal ng screw sa loob ng 5 seconds pero nang magkasakit sila ay kailangan niya ng 15 minutes para gawin ito at siya naman daw ay umasa sa helper.

“Ang dami talagang mga shocks, how are we gonna do this? How are we gonna do that? As in talagang we really thought we won’t be able to drive anymore.

Baka Bet Mo: Lani Mercado binoldyak ng netizens matapos ipagtanggol si Sara Duterte

“Iniisip ko ‘Ganito na ba? Is it going to be like this for the rest of our years?’” pagbabahagi ni Lani.

Ngunit ang pinakamatindi raw sa lahat ay nang malaman niyang baka hindi na raw siya pwedeng kumanta tulad ng dati dahil apektado na ang kanyang pandinig.

“And I do not know why parang sensitive ‘yong hearing namin in a way na sensitive sa mga high pitch, like ‘yong mga kalansing ng kutsara parang ahhh sakit,” sabi pa ni Lani.

Bukod dito, naapektuhan din daw ang kanilang paningin. Ngunit abot-langit naman ngayon ang pasasalamat nina Lani at Noli dahil finally ay naka-recover na sila mula sa kanilang pagkakasakit.

“And really, sa totoo lang we are grateful. We are just really grateful that we could still stand up,” pahayag pa ni Lani Misalucha.

Bong ibinandera ang 37 years na pagsasama nila ni Lani bilang mag-asawa: ‘Imagine, ang tagal na niyang nagtitiis!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lani namatayan ng apo; problema sa pandinig dahil sa bacterial meningitis lumala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending