Bong ibinandera ang 37 years na pagsasama nila ni Lani bilang mag-asawa: 'Imagine, ang tagal na niyang nagtitiis!' | Bandera

Bong ibinandera ang 37 years na pagsasama nila ni Lani bilang mag-asawa: ‘Imagine, ang tagal na niyang nagtitiis!’

Ervin Santiago |April 06,2023
facebook
share this

Bong ibinandera ang 37 years na pagsasama nila ni Lani bilang mag-asawa: ‘Imagine, ang tagal na niyang nagtitiis!’

Ervin Santiago - April 06, 2023 - 07:37 AM

Bong ibinandera ang 37 years na pagsasama nila ni Lani bilang mag-asawa: 'Imagine, ang tagal na niyang nagtitiis!'

Bong Revilla at Lani Mercado

SA darating na May 28 ay ipagdiriwang na ng celebrity couple na sina Sen. Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado ang kanilang 37th wedding anniversary.

Naganap ang civil wedding ng mag-asawa noong May 28, 1986 na ginanap sa Glendale, California, USA. Ito ang petsa ng unang pagpapakasal nina Bong at Lani.

Ang church wedding naman ng senador at kongresista ay nangyari noong March 25, 1998 kaya naman kaka-celebrate  lang nila ng kanilang 25th anniversary. May

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


“Thirty-seven years?! Imagine, 37 years! Ang tagal na niyang nagtiis!” ang natatawang biro ni Sen. Bong nang makachikahan ng BANDERA at ng iba pang members ng entertainment media kamakailan.

Sabi naman ni Congw. Lani nang matanong kung ano ang sikreto nila ni Sen. Bong sa 37 taon nilang pagsasama, “Ano pa rin kasi, we love doing things together. Hindi kami showy, hindi kami public display of affection.

“Pero once we’re together, mararamdaman, especially when one is in need of each other,” sabi pa ng aktres at public servant.

Birong hirit naman ni Bong, “Wow! In need of each other!” Na sinagot ng kanyang misis ng, “In the lowest times of our lives ang ibig kong sabihin!”

“Iba naman yung need na iniisip mo. Ang need ko, yung emotional need, yung presence,” ang kunwaring nakairap na sabi pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Natanong naman ang kongresista kung anong regalo ang nais niyang matanggap sa asawa para sa kanyang 55th birthday ngayong April, “Quality time,” mabilis na sagot ni Lani.

Biniro siya ng press kung ayaw niya sa katawan ni Bong na una nang nagsabi na ang kanyang katawang pangromansa ang gusto niyang iregalo sa asawa.

“Huwag na,” ang birong sagot naman ni Lani. Na sinundan ni Bong ng, “Ipamimigay mo na lang ang katawan ko?”

Baka Bet Mo: Bong Revilla balik na sa pagba-vlog, ibinandera ang ‘greatest’ lesson na natutunan sa ama

Agad namang nag-dialogue si Lani ng, “Hindi kita ipamimigay. Sorry sa kanila! I will not give you away, only for me! Only me! Ha-hahahaha!”

Pero bakit nga ba quality time ang wish niya, kulang na kulang ba ang panahon nila ni Bong para sa isa’t isa? “Hindi naman kulang na kulang. We’re busy people. So, yung quality namin ngayon, pag nandun kami sa farm.

“Pag papunta ka na sa alam mo na, senior years, medyo gusto mo na ang mga farming, fresh air. Yun yung quality time,” paliwanag ng aktres.

Hirit uli ni Bong, “Magtanim-tanim ka na ng mga gulay, ng mga pinya, ng mga mais. Ganun ang quality time. Ha-hahahaha!”

Pahabol ni Lani, “Tsaka gusto ko pag tumatanda, nagho-holding hands pa rin.”


Samantala, sa katapusan ng buwan o sa unang linggo ng May muling sasabak sa pag-arte si Sen. Bong. Bibida ang action star sa weekly Kapuso action-comedy series na “Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.”

Ito ang TV remake ng kanyang 1994 action-comedy movie na pinagbidahan nila ni Lani. Nagkaroon pa ito ng sequel noong 1997, ang “Yes Darling: Walang Matigas Na Pulis 2.”

Ayaw pang banggitin ng aktor kung sino ang magiging leading lady niya sa serye pero maugong na ang balita na si Beauty Gonzalez daw ang napili ng mga bossing ng GMA 7 para gumanap na misis ni Bong sa kuwento.

“Para siyang Agimat ng Agila, pero action comedy romance. Every Sunday yata ang timeslot nito,” patikim ni Bong sa bago niyang project.

Samantala, natanong din ang senador kung balak na niyang gumawa ng pelikula para sa 2023 Metro Manila Film Festival sa December.

“Actually iniisip ko na nga, e. May time pa naman, no? Kung kaya talaga, yung time, e. Siyempre ayokong mag-suffer din yung trabaho ko sa Senado. Kung comedy lang sana, yung mga ganyan, no, Walang Matigas… family movie.

“Actually, puwede. Kapag film na, si Lani isasama ko naman. Naks! Pag Matigas, ha? Sa Matigas,” chika pa ni Bong. Na sinagot agad ni Lani ng, “Kasi forever na akong kasama sa buhay!”

Hirit uli ng senador, “Grabe! Parang may hugot, ha?!”

Regalo ni Bong Revilla para sa 55th birthday ni Lani Mercado: ‘Katawan ko!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lani Mercado binoldyak ng netizens matapos ipagtanggol si Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending