Bong Revilla balik na sa pagba-vlog, ibinandera ang ‘greatest’ lesson na natutunan sa ama
BUMALIK na sa kanyang YouTube channel si Sendor Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. na may titulong “Tanong n’yo, Sasagutin ko”. Nahinto lang ito dahil sa pagiging abala nito.
Sinagot niya ang web most search question tungkol sa kanya, “Ano ang kino-consider mong Agimat o lucky charm?”
Ayon kay Sen. Bong ay ang Panginoong Diyos, “D ahil kung wala kang Diyos na kinakapitan, magiging marupok ka, pangalawa, pamilya. Without may family walang makikiramay sa ‘yo sa hirap at ginhawa, pangatlo, Fans sa kanila ko hinuhugot ang aking lakas at pinakatagumpay ng buhay ko, ‘yan ay galing sa kanila.”
Ang sumunod na tanong ay ang most memorable birthday and why.
“’Yung 50th birthday ko. When I’m inside Crame (PNP Custodial Center). Grabe ang flashback..ha, ha (sabay turo sa mga matang nangingilid na ang mga luha), bawal-bawal (umiyak). I’m speechless. (The) 50th birthday kasi kumpleto ang pamilya nasa loob ka at doon mo makikita kung sino ang tunay na mga kaibigan mo at kasama ko ‘yung tatay ko (ex-Senator Ramon Revilla, Sr),”balik-tanaw ng senador.
View this post on Instagram
‘When was the last time you cried’, “ngayon lang (sabay turo sa mga mata), ha, ha. Pinaiyak n’yo ako, eh. alam n’yo hindi lahat ng iyakin ay marupok o kababawan o kaduwagan. Mag-ingat kayo sa mga taong iyakin dahil iyon ang matapang dahil inilalabas talaga nila kung ano ‘yung nararamdaman nila. Halos lahat ng mga kaibigan ako ay alam nila kung sino si Bong Revilla. I’m a very sensitive person and once you talk about family, na bulls-eye mon a si Bong Revilla. Kaya alam n’yo na kung ano ‘yung aking weak spot lalung-lalo na kapag pinag-uusapan ang tatay ko.”
‘What was the biggest lesson you learned from your dad, “Perseverance, discipline. Sabi ng tatay ko kahit na ano pang sabihin ng iba basta ang gawin mo tama and you will never go wrong, doon ka huhugot ng tibay ng dibdib mo.
‘What are your essentials? “cellphone pero I can live without cellphones but I cannot live without exercise. ‘Yun ang nagpapabata sa akin kaya kailangan kong mag-exercise hinahanap ng katawan ko.”
At dito nalaman na ang tunay na pangalan ni Bong ay Jose Mari Mortel Bautista at nag-change name siya through court decision kaya naging Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.
Ilan na ang grandchildren ng magiting na senador, “mahirap maging lolo ibig sabihin tumatanda ka na. Pero ganu’n pa man, I’m so blessed having six grandchildren. Sabi nga doon makikita ang bunga kaya I’m so proud and happy at least magaganda at matatalino ang aking mga apo.
Kung hindi artista at public servant ang trabaho ni senator Bong ay pangarap ng kanyang ama ay maging duktor siya pero showbiz ang napili niya.
“Artista ang tinungo ni Bong Revilla at sa pagiging artista napunta po tayo ngayon sa public service, so, this is what you call destiny. Dito ako tinulak ng aking tadhana,” sambit nito.
Ang paborito niyang kanta ay “Ikaw” nina Ariel Rivera at Sharon Cuneta na sinulat ni Louie Ocampo at binanggit ding kino-consider niyang blessed at the same time ay suwerte rin.
Samantala, sa pamamagitan din ng YT channel ni Sen. Bong ay isa sa topic niya ay ang pagbi-bake ng anak niyang si Gianna Revilla ng cookies na naging hobby nito during the pandemic at nu’ng pinatikim nito sa kapwa niya senador ay marami na ang umorder kaya naman tuwang-tuwa ang anak.
Katuwang ni Gianna ang magulang na sina Bong at Cavite 2nd district representative Lani Mercado-Revilla sa paggawa ng best seller niyang Nutella cookies.
Sabi pa na ang baked cookies ni Gianna ang give aways nina sen Bong at congw Lani sa senado at kongreso.
Related Chika:
Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas
Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita
Bong sumabak sa matinding training para sa Agimat Ng Agila: Hindi ko talaga maiiwan ang showbiz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.