Operasyon ni Bong Revilla sa gallbladder successful: Palabas na po kami ng ospital | Bandera

Operasyon ni Bong Revilla sa gallbladder successful: Palabas na po kami ng ospital

Pauline del Rosario |March 30,2023
facebook
share this

Operasyon ni Bong Revilla sa gallbladder successful: Palabas na po kami ng ospital

Pauline del Rosario - March 30, 2023 - 12:49 PM

Operasyon ni Bong Revilla sa gallbladder successful: Palabas na po kami ng ospital

PHOTO: Screengrab from Facebook Live/Ramon Bong Revilla, Jr.

LUBOS ang pasasalamat ng actor-politician na si Senador Bong Revilla dahil naging matagumpay ang operasyon sa kanyang gallbladder.

Magugunita noong March 27 ay isinugod sa ospital sa Taguig City ang senador dahil sa matinding pananakit ng tiyan na kalaunan ay napag-alamang dahil sa “gallstones” o mga bato sa apdo.

At kinabukasan nga niyan ay isinailalim na agad siya sa “emergency laparoscopy” upang tanggalin ang gallbladder.

Sa Facebook live ng senador ay masaya niyang ibinalita na maayos na ang kanyang kalagayan at handa na raw siyang umuwi ng kanyang bahay.

Pinasalamatan niya ang lahat ng nagdadasal sa kanya, pati na rin ang mga doktor na nagsagawa ng kanyang operasyon.

Caption niya sa post, “Thank you, Lord, nairaos po nang matagumpay ang aking gallbladder removal at ngayon po ay palabas na ako ng ospital [folded hands emoji].”

Patuloy niya, “Salamat din po sa walang patid na pag-aalaga ng mga doktor, nurses at lahat ng hospital staff, gayundin sa inyong mga nagdasal para sa akin [red heart emoji] God is good! Take care, everyone! Love you all”

Baka Bet Mo: Bong Revilla balik na sa pagba-vlog, ibinandera ang ‘greatest’ lesson na natutunan sa ama

Sey pa niya sa video, “Inaantay nalang po namin ang release ng doctors, ‘yung approval na lumabas na ako pero isa nalang ‘yata.”

Nabanggit din ni Senador Bong na ang naging sanhi ng kanyang sakit at sinisi ito sa kanyang pagkain ng chicharon bulaklak at mamantikang pagkain.

“Oily food. So dati nang may bato sa gallbladder kaya dapat nache-check niyo yan. Wag niyo nang hayaan na pumutok yung mga ganon,” babala pa niya sa kanyang video.

Libo-libong netizens naman ang napa-comment sa kanyang Facebook live at nagpaabot ng “well wishes” messages sa kanya.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Praying for your fast recovery idol senator Godbless.”

“Thanks God [folded hands emoji] magaling na kayo Sen.Bong Revilla and God bless you.”

“Hello idol Sen. Bong, i’m happy to see you na you’re already in good condition, na okey ka na. God bless! [random emojis]”

Related Chika: 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita

Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending