Sa wakas, Bong Revilla natanggap na ang YouTube Silver Play Button; mamimigay ng P1-M, 2 kotse, 5 motorsiklo | Bandera

Sa wakas, Bong Revilla natanggap na ang YouTube Silver Play Button; mamimigay ng P1-M, 2 kotse, 5 motorsiklo

Ervin Santiago |December 01,2022
facebook
share this

Sa wakas, Bong Revilla natanggap na ang YouTube Silver Play Button; mamimigay ng P1-M, 2 kotse, 5 motorsiklo

Ervin Santiago - December 01, 2022 - 08:03 AM

Sa wakas, Bong Revilla natanggap na ang YouTube Silver Play Button; mamimigay ng P1-M, 2 kotse, 5 motorsiklo

Bong Revilla

FINALLY, natanggap na ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. ang kanyang YouTube Silver Play Button dahil umabot na nga sa mahigit 200,000 ang kanyang subscribers.

Naantala ang naturang pagkilala mula sa YouTube dahil halos dalawang taon na nang magkaroon ng 100,000 subscribers ang kanyang channel.

Sa ngayon, 264,000 plus na ang subscribers ng actor-public servant at patuloy pa itong dumarami.

“Matagal ko na itong hinihintay, pero iba pa rin pala ang pakiramdam kapag hawak mo na ‘yung kahon, unti-unti nang binubuksan hanggang mahawakan ko na ‘yung Silver Play Button.

“Taos-puso ang pasasalamat ko sa lahat ng subscribers na nakatutok palagi sa akin, maraming salamat sa inyong lahat,” pahayag ni Revilla.

Dahil dito, tiniyak ng senador na mas marami pang sorpresa ang kanyang ihahanda sa mga darating na araw at sa mga nais pang sundan siya sa https://www.youtube.com/@BongRevillajrph.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


“Sa mga hindi pa naka-subscribe, click na at makisaya! I-click ang notification bell para laging updated.

“Join na sa ating Road to 1 Million Subscribers para sa YouTube Gold Play Button!” pahayag pa ng veteran actor at public servant.

Samantala, “Gusto ba ninyong maging Instant Milyonaryo?” ang tanong ni Sen. Bong sa pagbabalik ng “Amazing Pamasko ni Pogi” na magaganap sa Disyembre 17 at 18, Sabado at Linggo, 4 p.m..

Mamamahagi ng P1 million, dalawang kotse, limang motorsiklo ang senador plus 1000 kalahok ang mananalo ng tig-P1,000 at marami pang sorpresa at cash prizes.

Mag-submit ng entry sa, https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdeJlcDZTAGapumGnXZ1FfWmrpia3NJhkWhYpBnH2Xy_r39pQ/viewform hanggang 11:59 ng gabi, sa Disyembre 11.  Malaki pa ang pagkakataong makasali.

“Malay n’yo, ito na ang pagkakataon para maging milyonaryo kayo. Basta tutok lang,” pahayag pa ni Sen. Bong.

Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas

Manny Pacquiao proud sa pagkapanalo ni Carlo Paalam: ‘You fought a good fight’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ramon Christopher aprubado nga ba si Paulo Avelino para kay Janine Gutierrez?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending