Manny Pacquiao proud sa pagkapanalo ni Carlo Paalam: ‘You fought a good fight’
NAGWAGI ng silver medal si Carlo Paalam matapos ang kanyang laban kay Galal Yafai ng Great Britain.
Hindi man nito nakamit ang gintong inaasam, para kay Carlo, ang napanaluhang silver medal ang sumisimbolo ng kanyang buhay.
Mula kasi sa pagiging mangangalakal, narating niya ngayon ang tagumpay na inaasam.
“Malaking bagay sa buhay ko kasi nangangalakal ako dati. Parang may simbolo siya sa akin, itong medal, galing sa gadgets na sira.
“May koneksyon sa buhay ko. ‘Di ko inaakalang makukuha ko ito,” paglalahad niya.
Aabot sa P17 million ang cash incentives na makukuha ni Carlo sa pagbabalik nito sa Pilipinas. (P5 million mula sa gobyerno, P5 million mula kay Manny Pangilinan, P5 million mula kay Ramon Ang, at P2 million mula kay Cong. Mikee Romero)
Muling nagbubunyi ang buong bansa sa pagkapanalo ni Carlo na siyang mag-uuwi ng pang-apat na medalya ngayong Tokyo 2020 Olympics.
Pati mga kilalang personalidad ay nakikiisa sa tagumpay na nakamit ng binata.
Isa na nga rito ang “Pambansang Kamao” na si Sec. Manny Pacquiao na nag-tweet matapos ang pagkapanalo ng 23-year-old boxer.
“Congratulations, Carlo Paalam for bagging the Olympic Silver Medal! You fought a good fight! We are proud of you!” tweet nito.
“Still proud of you @CarloPaalam2 for going all the way. Unheralded amongst the 4 boxers, and now he gets Silver for the Philippines.
“Mabuhay. Saludo. Simula pa lang to,” pagbati naman ni Gretchen Ho.
Nagpost naman si Angel Locsin sa IG story nito ng litrato nina Hidilyn, Nesthy, Eumir, at Carlo na may nakasulat na “Saludo”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.