Magna Carta para sa ambulant vendors, pinaglaban ng Agimat

Magna Carta para sa mga ambulant vendors, pinaglaban ng Agimat Partylist sa Kamara

Jan Escosio - March 31, 2025 - 04:49 PM

Magna Carta para sa mga ambulant vendors, pinaglaban ng Agimat Partylist sa Kamara

Si Congressman Bryan Revilla sa Kadiwa Public Market sa Dasmariñas City.

MGA ambulant vendors ang isa sa mga sektor na pinaglalaban ng AGIMAT Partylist.

Bago matapos ang sesyon noong Pebrero, inaprubahan na sa third reading sa House of Representatives ang House Bill No. 11337 o ang Magna Carta for Informal Ambulant Vendors!

Ang panukalang batas na ito ay inihain ni AGIMAT Party-list Cong. Bryan Revilla para protektahan at bigyan ng benepisyo ang mga ambulant vendors sa informal sector.

Target nito na palakasin ang kanilang hanapbuhay at mabigyan sila ng social protection!

Baka Bet Mo: Bryan Revilla nagdalawang-isip sa pagbabalik-showbiz

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Rep. Bryan Revilla ang mahalagang papel ng ambulant vendors sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy.

“Lahat tayo, may nabili nang taho, ice cream, dyaryo, o candy sa kanila. Sila ang mga Pilipinong nagsusumikap para sa kanilang pamilya,”  sey ni Assistant Majority Leader Revilla.

Dagdag niya, marami sa kanila ang walang social insurance kaya’t kailangang protektahan.

Sa ilalim ng Magna Carta, may garantisadong right to safe and secure working conditions at right to security in the designated vending spaces ang ating mga vendors.

Inaatasan din ang mga LGU na maglaan ng maayos na lugar para sa kanilang hanapbuhay—walang dahas dapat kung kailangang ilipat ang kanilang pwesto!

Isa rin sa mga probisyon ng batas ang pagrerehistro ng ambulant vendors sa LGU.

Para sa maraming manininda, ang rehistro o permit ang susi para makakuha ng trainings, financial assistance, at access to credit mula sa gobyerno! Full support din dito ang DOLE, DSWD, at DTI.

“The point of the bill is to protect them while they are vulnerable. Pangarap ng bawat ambulant vendor na lumago ang negosyo. Gusto nating makatulong para makapasok sila sa formal sector, umasenso, at makatulong pa sa ekonomiya ng Pilipinas,” sambit pa ni Cong. Revilla.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa mga kababayan nating vendors, isang malaking panalo ito!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending