Ramon Christopher aprubado nga ba si Paulo Avelino para kay Janine Gutierrez? | Bandera

Ramon Christopher aprubado nga ba si Paulo Avelino para kay Janine Gutierrez?

Therese Arceo |June 30,2022
facebook
share this

Ramon Christopher aprubado nga ba si Paulo Avelino para kay Janine Gutierrez?

Therese Arceo - June 30, 2022 - 05:45 PM

Ramon Christopher aprubado nga ba si Paulo Avelino para kay Janine Gutierrez?

PASADO nga ba ang Kapamilya actor na si Paulo Avelino sa ama ni Janine Gutierrez na si Ramon Christopher?

Matagal na ngang usap-usapan kung may namamagitan nga ba sa dalawa mula pa noong magkapareha sila sa teleserye “Marry Me, Marry You” nang lumipat ang dalaga sa ABS-CBN.

At ngayon nga ay showing na ang pelikula nina Paulo at Janine na may title na “Ngayon Kaya”.

Bilang pagsuporta ay dumalo si Ramon sa premiere night ng pelikula ng anak noong June 21.

Dito ay natanong siya ng isang entertainment writer kung boto nga ba siya kay Paulo para kay Janine.

“Sila naman, they are of the right age. Kung saan sila happy, happy na rin ako,” saad ni Ramon Christopher.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

 

“Hindi ko pinanghihimasukan yung mga love-love na iyan,” dagdag pa niya.

Mukha namang tiwalang tiwala si Ramon Christopher kay Janine sa bawat desisyong ginagawa nito maging sa aspeto ng pag-ibig.

Nang tanungin naman kung pormal nang naipakilala ni Janine sa kanya si Paulo, inamin niya na kakilala na niya ang aktor.

Sagot ni Ramon, “Kilala ko naman si Paulo. Minsan kumakain pa kami sa labas. Very nice, mabait.”

Samantala, hindi naman niya mapigilan ang maging proud sa kanyang anak lalo na’t nagandahan siya sa pagkakagawa sa “Ngayon Kaya”.

Kahit sa iba pang mga achievements ni Janine ay hindi mapigilan ni Ramon Christopher na ipagmalaki ang kanyang anak.

“Very proud, yung mga pinaghirapan niya, yung dedication niya sa trabaho… Magaling, seryoso kasi talaga si Janine pagdating sa trabaho,” pagbabahagi niya.

Nang hingan naman siya ng payo para sa mga anak, sinabi niyang hindi na nila ito kailangan.

Sey ni Ramon, “Payo? Mas magaling na sila sa akin, hindi na siguro nila kailangan ng payo. Siguro sa payo, alam na nila what’s best to be done.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ian sa isyu ni Lotlot: Sa totoo lang po, mga chismis lang talaga ang sumisira sa amin

Enchong type gumanap na Ramon Magsaysay; umaming may balak sumabak sa politika, pero

Alodia Gosiengfiao spotted sa Balesin kasama ang rumored boyfriend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending