Alodia Gosiengfiao spotted sa Balesin kasama ang rumored boyfriend | Bandera

Alodia Gosiengfiao spotted sa Balesin kasama ang rumored boyfriend

Therese Arceo |May 20,2022
facebook
share this

Alodia Gosiengfiao spotted sa Balesin kasama ang rumored boyfriend

Therese Arceo - May 20, 2022 - 07:02 PM

Alodia Gosiengfiao spotted sa Balesin kasama ang rumored boyfriend

IBINANDERA ng cosplayer, entrepreneur, at gamer na si Alodia Gosiengfiao ang kanyang naging bakasyon sa Balesin Island Club.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang isang video bilang summary ng kanyang napakasayang bakasyon mula sa kanyang pagpe-prepare papunta sa isla hanggang sa kanilang bonding kasama ang mga kaibigan at iba pa nilang activities habang nagbabakasyon.

Kita naman na kasa-kasama ni Alodia sa Balesin ang kanyang rumored boyfriend na si Christopher Quimbo at talaga namang kitang-kita ang happiness sa ngiti at mata ng dalaga habang nakikipagkulitan sa kanyang rumored dyowa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alodia Gosiengfiao (@alodia)

Umani naman ng magagandang reaksyon ang naturang video post ni Alodia mula sa kanyang mga tagasubaybay na talaga namang suportado at aprub na aprub sa bagong nagpapatibok sa puso ng dalaga.

“My brother who is working in Balesin says you are so humble and approachable. I am a fan now,” comment ng isang netizen sa post ni Alodia.

Saad naman ng isa, “When you really are with the right person, love aint hard to see in someone.’

“You’ve got a whole new vibe. Great to see you are having a great time Boss A,” dagdag pa ng isa.

Matatandaang naging usap-usapan na naman si Alodia matapos nitong mag-post ng picture sa kanyang IG kasama si Christopher habang nagbabakasyon ito sa Palawan.

Marami ang natuwa at nagulat dahil halos ilang buwan pa lang ang nakakalipas nang mapabalita ang hiwalayan nila ng sikat na vlogger at dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Wil Dasovich.

Nobyembre noong nakaraang taon nang aminin ni Alodia na hiwalay na sila ni Wil na talaga namang ikinalungkot ng kanilang mga supporters.

Marami rin ang tila umasa na baka magkaroon ng “comeback” ang dalawa matapos mag-trending ang caption ng dalaga sa kanyang social media accounts na “Ako nga pala yung sinayang mo”.

Ngunit nawalan ng pag-asa ang madlang pipol nang mag-post si Alodia ng larawan nila ni Christopher sa Palawan with matching heart-shaped hand post.

Bagamat hindi pa ito direktang inaamin ng dalaga ay gets na ito ng madlang pipol lalo na at spotted rin siya kasama ang mga magulang ni Christopher nang mag-celebrate ito ng Mother’s Day base na rin sa IG post ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christopher Quimbo (@csquimbo)

Related Chika:
Alodia Gosiengfiao may pa-dyowa reveal nga ba?

Wil Dasovich may sagot kay Alodia: Ako nga pala ‘yung sinaing mo

Alodia nilinaw ang ‘Ako nga pala ang sinayang mo’ viral post: So sorry for the confusion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending