Alodia nilinaw ang 'Ako nga pala ang sinayang mo' viral post: So sorry for the confusion Bandera

Alodia nilinaw ang ‘Ako nga pala ang sinayang mo’ viral post: So sorry for the confusion

Ervin Santiago |January 17,2022
share this

Alodia nilinaw ang ‘Ako nga pala ang sinayang mo’ viral post: So sorry for the confusion

Ervin Santiago January 17, 2022 - 07:18 AM

Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao

NAG-EXPLAIN ang celebrity at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao tungkol sa kanyang viral photo at ang kalakip na caption nito na naging mainit na topic sa social media.

Idinaan ng dalaga na kilala rin bilang gamer sa kanyang Facebook page ang paglilinaw sa inilagay niyang caption sa isa niyang IG post na talaga namang nang-agaw ng eksena sa socmed.

Ang paniwala kasi ng mga netizens, lalo na ng kanyang fans, ay para sa ex-boyfriend niyang si Wil Dasovich ang hugot niyang, “Hi, ako nga pala yung sinayang mo.”

Ito ang caption niya sa kanyang litrato sa IG suot ang kanyang golden gown. Hirit naman ng sister niyang si Ashley Gosiengfiao, “Tag ko na ba?” na obviously ay para nga kay Wil.

Ngunit mariing dinenay ni Alodia na pinatatamaan niya ang ex-dyowa sa kanyang mensahe at sinabing ito’y base lamang sa isang “meme” kay huwag nang lagyan ng malisya o ibang kahulugan.

“Thank you guys for the support but yesterday’s post was based on a meme quote I saw somewhere on the intarweb but a few people took it seriously so sorry for the confusion!” pahahag ni Alodia.

Aniya pa, matagal na raw siyang nagpo-post ng mga memes sa kanyang socmed accounts at naglabas pa siya ng “resibo” o ebidensya para patunayan na halos isang dekada na niyang ginagawa ito.

“I’ve been posting memes daily for a while now because I like sharing funny things. Even have a page dedicated to it which has been up for almost a decade. Alodia Memes,” paliwanag pa ng cosplayer.


Kung matatandaan, sinakyan din ni Wil ang post ng ex-girlfriend at nagbahagi rin ng sarili niyang meme gamit ang litrato niya na nakasuot ng apron.

Makikita sa photo si Wil na may hawak na rice cooker at may lamang kanin. Nilagyan niya ito ng  caption na, “Hi, ako nga pala yung sinaing mo.”

At mukhang nakita rin ni Alodia ang ginawang meme ni Wil dahil kinarir nga ng dalaga ang paghahanap ng litrato mula sa grupo ng content creators na Shmek’m. 

Makikita sa ipinost ni Alodia ang isang lalaking nakahubad na may suot na apron with matching Dragonball Son Goku-style hairdo. Nakasulat dito ang mga katagang, “Hi, ako nga pala ‘yung SinAIYAN mo!” 

Ang caption naman dito ni Alodia ay, “It’s over 9000!!”

Noong November, 2021 in-announce ni Alodia na hiwalay na sila ni Wil at sinabing sinubukan naman nilang i-save ang kanilang relasyon pero hindi na talaga umubra.

Wil Dasovich may sagot kay Alodia: Ako nga pala ‘yung sinaing mo

Alodia sa paghihiwalay nila ni Wil: Hindi po ito prank…I wish it were, but no!

Alodia Gosiengfiao may pak na pak na hugot sa lovelife: Hi! Ako nga pala yung sinayang mo…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending