Alodia nanganak na, official ‘mommy’ na: Life will never be the same
NAGING family of three na ang mag-asawang Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo.
Isinilang na kasi ng content creator ang first baby nila!
Ang good news ay ibinandera mismo ng couple sa kanilang joint Instagram post.
Makikita ang transition video na kung saan ay buntis pa si Alodia at biglang ipapakita na karga na niya ang kanyang panganay.
Caption niya sa IG, “New character unlocked,” kalakip ang baby bottle emoji.
Baka Bet Mo: Alodia, Christopher atat na atat nang maging mommy at daddy
View this post on Instagram
Sa comments section, maraming celebrities ang nagpaabot ng “well-wishes” at congratulatory messages para sa mag-asawa.
Kabilang na riyan sina Anne Curtis, Denise Laurel, Dani Barretto, at marami pang iba.
Sa pamamagitan naman ng YouTube, ibinahagi ni Alodia ang naging experience niya before and after manganak sa St. Luke’s Medical Center sa BGC, Taguig.
Maliban sa hospital staff, siya ay inalagaan at binantayan ng kanyang mister habang nasa ospital.
“Life will never be the same,” sey niya sa description ng video.
Kung matatandaan, huli naming nakachikahan si Alodia noong Oktubre nang dumalo siya sa special screening ng “Friendly Fire.”
Kinamusta namin siya that time at nasabi nga niya na super excited na siyang makapiling ang first baby.
Inamin din niya na very challenging at marami siyang ginagawang paghahanda bilang first time mom.
“Actually, I’m very surprised since it’s a challenge talaga na parang before I thought na parang smooth sailing, but it’s not kasi it’s a lot of work, a lot of preparation and now super talagang [may] high respect ako to every moms out there,” sey niya sa amin.
View this post on Instagram
Maaalalang last year lamang ikinasal sina Alodia at Christopher na ginanap sa Pasay City.
Inanunsyo nila ang pagbubuntis ng content creator nitong Hunyo at noong Setyembre nang ibinalita nila na baby boy ang magiging panganay nila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.