Alodia, Christopher atat na atat nang maging mommy at daddy

Alodia, Christopher atat na atat nang maging mommy at daddy

Ervin Santiago - June 25, 2024 - 06:45 AM

Alodia, Christopher atat na atat nang maging mommy at daddy

Alodia Gosiengfiao at Christopher Quimbo

EXCITED much na ang cosplayer at professional gamer na si Alodia Gosiengfiao at asawang si Christopher Quimbo na maging mommy at daddy.

Nito lamang nagdaang linggo nang ibandera ni Alodia sa buong universe na pregnant na siya sa first baby nila ng kanyang non-showbiz husband.

Sa pamamagitan ng isang Instagram video, masayang ibinalita ng mag-asawa na magiging parents na sila kalakip ang ultrasound photo ng kanilang baby.

Baka Bet Mo: Alodia Gosiengfiao nag-‘yes’ agad-agad nang mag-propose si Chris Quimbo, walang takot na naramdaman sa pag-aasawa

Kasunod nito, isa pang video ang ipinost ni Alodia sa Instagram Stories kung saan mapapanood ang mga eksena nang una nilang malaman ni Christopher na buntis na siya.

Ang inilagay ni Alodia sa caption ng kanyang IG post, “The moment we found out.”

Sa natural IG reel, ipinakita ni Alodia ang isang pregnancy test stick sa camera sabay tawag kay Christopher para ipakita rito ang resulta.

Kitang-kita sa mukha ni Christopher kung gaano ito kasaya nang makita ang positive result ng pregnancy test ng kanyang wifey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alodia Quimbo (@alodia)


Tinanong ni Alodia ang mister kung excited na ba siyang maging tatay na agad namang sumagot ng, “I don’t think that’s the right word. I’m like more than excited.

“I’ve always felt like I was a dad. But now like, I’m coming into my own, you know. I think I was destined for this,” pahayag pa ng husband ng cosplayer.

Baka Bet Mo: Alodia Gosiengfiao nagpakasal na kay Christopher Quimbo sa mismong Araw ng mga Puso

Inusisa naman ni Christopher si Alodia kung ano sa tingin niya ang gender ng kanilang magiging panganay. Sey ng future mommy, feeling niya it’s a baby boy.

Pag-alala ni Christopher, noong nagdadalang-tao raw ang nanay niya sa kanya, ramdam daw nito na babae ang nasa kanyang tummy kaya namili na raw si mader ng mga pang-girl na gamit.

Bumuhos muli ang mga congratulatory message para sa mag-asawa mula sa mga netizens,  kabilang na ang mga kaibigan nila sa entertainment industry.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal ang future mommy at daddy last year, eksaktong Valentine’s Day, sa isang bonggang-bonggang seremonya sa Marriott Grand Ballroom sa Newport City, Pasay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending