Alodia Gosiengfiao nagpakasal na kay Christopher Quimbo sa mismong Araw ng mga Puso | Bandera

Alodia Gosiengfiao nagpakasal na kay Christopher Quimbo sa mismong Araw ng mga Puso

Ervin Santiago |February 15,2023
facebook
share this

Alodia Gosiengfiao nagpakasal na kay Christopher Quimbo sa mismong Araw ng mga Puso

Ervin Santiago - February 15, 2023 - 08:46 AM

Alodia Gosiengfiao nagpakasal na kay Christopher Quimbo sa mismong Araw ng mga Puso

Christopher Quimbo at Alodia Gosiengfiao

IKINASAL na ang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao sa kanyang  boyfriend na si Christopher Quimbo kahapon, February 14.

Mismong Araw ng mga Puso naganap ang wedding nina Alodia at Christopher at base sa mga litratong nakita namin sa Instagram, nangyari ang seremonya sa Marriott Grand Ballroom, Pasay City.

Ilang photos din na kuha sa wedding ang ibinahagi ng bridesmaid ni Alodia na si Verniece Enciso kabilang na ang ilang kaganapan bago magsimula ang kasal.

Sa mga hindi pa nakakaalam, ang napangasawa ng online gamer ay  president at general manager ng Calabria Company Limited, ang gumagawa ng Novellino wine.

Bukod sa mga kapamilya, present din sa kasal ni Alodia ang ilang malalapit niyang kaibigan sa showbiz kabilang na ang Kapuso actress at kapwa niya cosplayee at gamer na si Myrtle Sarrosa.

Matatandaang sinabi ni Alodia sa  isang interview last September, 2022, na ngayong Pebrero nga ang kasal nila ni Christopher ngunit hindi niya binanggit ang eksaktong araw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alodia Gosiengfiao (@alodia)


Sa kanyang YouTube channel noong July, 2022 ay ibinandera ni Alodia sa madlang pipol na engaged na sila ni Christopher matapos itong mag-propose sa kanya sa mismong winery na pag-aari ng asawa.

Ang nakalagay sa caption ng kanyang video, “For some, it takes a lifetime to find true love. But for the lucky ones, a lifetime is merely enough to share the love they’ve found.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Verniece Enciso (@verniecenciso)


Pahayag pa niya, “Naging suspicious na ako kasi bakit ang daming flowers. Okay, maganda itong pang-Instagram and what-not.

“And then nagkaroon na ng candles and a little parang set-up na doon sa middle. Ah, okay, parang there’s something happening,” sey ni Alodia.

Hanggang sa lumuhod na nga sa harapan niya si Christopher sabay labas ng engagement ring. Tanong niya kay Alodia, “Will you marry me?” Na sinagot agad ng cosplayer ng, “Of course!”

Alodia Gosiengfiao malapit ng ikasal kay Chris Quimbo, nagkaroon ng bachelorette party

Chris Quimbo na-feel agad na gusto nang pakasalan si Alodia Gosiengfiao kahit 4 na buwan pa lang nagde-date

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alodia Gosiengfiao nag-‘yes’ agad-agad nang mag-propose si Chris Quimbo, walang takot na naramdaman sa pag-aasawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending