Alodia Gosiengfiao, Christopher Quimbo handa na bang bumuo ng pamilya? | Bandera

Alodia Gosiengfiao, Christopher Quimbo handa na bang bumuo ng pamilya?

Therese Arceo |April 19,2023
facebook
share this

Alodia Gosiengfiao, Christopher Quimbo handa na bang bumuo ng pamilya?

Therese Arceo - April 19, 2023 - 07:01 PM

Alodia Gosiengfiao, Christopher Quimbo handa na bang bumuo ng pamilya?
TILA handa na ang cosplayer na si Alodia Gosiengfiao at ang asawa nitong si Christopher Quimbo.

Sa latest vlog upload ng cosplayer, nitong Martes, April 18, sinagot ng mag-asawa ang mga tanong mula sa netizens patungkol sa kanilang relasyon at isa na nga rito ay kung paano sila nagkakilala.

Pagbabahagi ni Alodia, sinet-up raw siya ng kanyang pinsan kay Christopher at sinabing single siya at bagay raw sila.

Agad nga raw nitong tineks ng kanilang pinsan si Ashley, na golf buddy rin ng negosyante.

“There was a point in time when I was single na I didn’t want to talk to anyone… I’m just really focused on work… I don’t wanna meet anyone. I’m already happy on my own. I can support myself… then my sister said, ‘Philip texted me. You should meet this guy. He’s a businessman’,” kuwento ni Alodia.

Aniya, never pa raw niyang naranasang mareto sa buong buhay niya at makalipas nga ng isang linggo ay nag-follow up ang pinsan niya kay Ashley para sabihan siya.

Baka Bet Mo:  Chris Quimbo na-feel agad na gusto nang pakasalan si Alodia Gosiengfiao kahit 4 na buwan pa lang nagde-date

Dito ma nga pumayag ang cosplayer na makipagkita at makipag-dinner. Ngunit matapos ang kanilang first date ay matagal sila ulit na hindi nagkita dahil nga ayaw ng vlogger-cosplayer na madamay si Christopher at ang pamilya nito sa magulong mundo niya lalo na’t isa itong sikat na personalidad.

Ngunit nalagpasan naman nina Alodia at Christopher ang pagsubok gaya ang mapanghusgang mga netizens at ngayon nga’y kasal na sila.

Sunod na tanong sa kanila ay kung may plano na ba ang mga ito na magkaroon ng anak at kung ilan ang gusto nila.

“Siyempre… Hopefully one girl and one boy. I’m excited because I wanna dress them up,” sey ni Alodia.

Excited na rin daw si Christopher na turuan ito ng iba’t ibang bagay at makipag-bonding sa mga ito gaya ng paglalaro ng video games at sports.

Matatandaang noong February 14 lang nang ikasal sina Alodia at Christopher matapos ang ilang buwan nilang pagiging magkarelasyon.

Talaga namang nag-trending ang kasal ng dalawa dahil halos lahat ng mga bigating pangalan sa Pilipinas ang nagsilbing ninong at ninang nila sa kasal na sina Mr. Larry Chan at Mrs. Peggy Chan, Mr. Hans Sy at Mrs. Caroline Sy, Atty. Perry Pe at Mrs. Robina Gokongwei-Pe, former Senator Manny Villar at Senator Cynthia Villar, at Dr. Hayden Kho at Dra. Victoria Belo-Kho.

Related Chika:
Alodia Gosiengfiao nagpakasal na kay Christopher Quimbo sa mismong Araw ng mga Puso

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Alodia Gosiengfiao may pa-dyowa reveal nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending