Alodia Gosiengfiao may pa-dyowa reveal nga ba? | Bandera

Alodia Gosiengfiao may pa-dyowa reveal nga ba?

Therese Arceo |April 23,2022
facebook
share this

Alodia Gosiengfiao may pa-dyowa reveal nga ba?

Therese Arceo - April 23, 2022 - 09:54 PM

Alodia Gosiengfiao may pa-dyowa reveal nga ba?

USAP-USAPAN ngayon ang cosplayer, entrepreneur at youtuber na si Alodia Gosiengfiao matapos mag-viral ang kanyang larawan kasama ang isang lalaki.

Nagmula ang larawan sa mismong Instagram account ng dalaga kung saan makikita siyang naka-pose at gumagawa ng heart shape gamit ang kamay kasama ang isang non-showbiz guy.

Tanging infinity sign lang ang caption ni Alodia sa kanyang post na kuha mula sa El Nido, Palawan kaya naman mabilis na naghinuha ang mga netizens na baka ito na ang ipinalit ng dalaga sa kanyang ex-boyfriend na si Wil Dasovich.

Napag-alaman na ang lalaking kasama ng cosplayer ay si Christopher Quimbo, presidente ng kumpanya ng isa sa mga market-leading wines.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alodia Gosiengfiao (@alodia)

 

Base sa aming nakalap na impormasyon, nagtapos ang binata ng Economics sa University of Wisconsin-Madison noong 2015 at nag-aral ng Wine Executivr Program sa University of California-Davis.

Nagwagi rin ito ng parangal na ASEAN Business Award for Young Aentrepreneur of the Year noong 2015.

Wala mang kumpirmasyon kung ano ang relasyon nina Alodia at Christopher ay sapat na para sa mga netizens ang comment ng mga kaibigan ng dalaga.

“Happy for you,” saad ni David Guison na isa ring youtuber.

Pawang heart emojis naman ang comment ni Mikey Bustos.

Sey naman ng mga tagasuporta ni Alodia, suportado nila ang dalaga kung saan ito masaya at pinaalalahanan na alagaan sana ang kanilang iniidolo.

Matatandaang nag-trending si Alodia noong Nobyembre ng nakaraang taon matapos nitong aminin ang kanilang paghihiwalay ng longtime boyfriend na si Wil Dasovich.

Marami pa sa mga fans ng dalawa ang umasa na baka magkabalikan ang dalawa nang muli silang mag-trending dahil sa “Ako nga pala yung sinayang mo” post ng dalaga na talagang pumatok sa mga netizens.

Sa ngayon ay nasa America naman ang dating dyowa ni Alodia base na rin sa mga Instagram stories nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!

Alodia Gosiengfiao may pak na pak na hugot sa lovelife: Hi! Ako nga pala yung sinayang mo…

Wil Dasovich may sagot kay Alodia: Ako nga pala ‘yung sinaing mo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending