Alodia Gosiengfiao may pak na pak na hugot sa lovelife: Hi! Ako nga pala yung sinayang mo... Bandera

Alodia Gosiengfiao may pak na pak na hugot sa lovelife: Hi! Ako nga pala yung sinayang mo…

Ervin Santiago |January 14,2022
share this

Alodia Gosiengfiao may pak na pak na hugot sa lovelife: Hi! Ako nga pala yung sinayang mo…

Ervin Santiago January 14, 2022 - 09:42 AM

Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao

AGAW-EKSENA ang sikat na celebrity vlogger at cosplayer na si Alodia Gosiengfiao dahil sa kanyang pak na pak na look sa isang event na dinaluhan niya sa Amerika.

Pinusuan at ni-like nang bonggang-bongga ng mga netizens ang ipinost na litrato ni Alodia sa social media kahapon kung saan rumampa siya suot ang kanyang golden gown.

Dito makikita ang ang seksing-seksing si Alodia with her sleek golden gown, na inspired sa karakter ni Leona sa “League of Legends”. Gumora raw siya sa Arcane red-carpet event sa California.

Aniya sa kanyang pamatay na caption (na burado na ngayon sa kanyang IG page), “Hi. Ako nga pala yung sinayang mo.”

“Day breaks upon the battlefield! — Leona (League of Legends). What I prepared for the Arcane Red Carpet last time,” aniya pa. Siya lang din daw ang nag-style at gumawa sa kanyang hair at make-up.

Bumaha naman ng fire at heart emojis sa comment section ng Instagram at Facebook account ng dalaga habang ang ilan niyang followers ay tinag pa ang ex-boyfriend niyang si Wil Dasovich. 

Mas dumami pa ang nag-react na netizens nang mag-post din ng comment ang kapatid ni Alodia na si Ashley. Panunukso nito sa kapatid, “Tag ko na ba?” Na ang tinutukoy nga ay si Wil.

In fairness, sa halip na mapikon at magalit, game na game na sumakay ang vlogger sa biro ni Ashley at ng iba pang netizens sa pamamagitan ng pagsagot sa sister ni Alodia.

“Wag na nagbo blow up na fone ko alam ko na! Nakupo!” ani Wil na deleted na rin ngayon.

Noong November, 2021 ibinalita ni Alodia na hiwalay na sila ni Wil at sinabing sinubukan naman nila ng ex-boyfriend na i-save ang relasyon pero hindi na talaga umubra.

“Meron pa bang comeback? We don’t know. I mean, nakailang comeback na kasi. But you know, things happen for a reason, I guess. ‘Pag hindi talaga, not meant to be,” pahayag noon ni Alodia.

“Di ko naman ine-expect na kung saan-saan mapupunta ‘yung news. I just wanted the truth to come out na, ito ‘yung situation ngayon and stuff.

“I hate lying, to be honest… And every time may nagtatanong na, ‘Kayo pa ba?’ Siyempre I don’t want to lie. It’s been a while na rin naman. Saka ‘yung mga na-upload, mga late uploads lang ‘yon kaya I guess it made it seem na parang kami pa rin.

“I’m not sad, I’m just tired. Yung buong situation, I know it’s kind of sad, but I’m over that. Natanggap ko na siya and I’m okay,” paliwanag ng cosplayer at vlogger.

Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!

Alodia sa pakikipagbalikan kay Wil: Nakailang comeback na kasi, ‘pag hindi talaga, not meant to be

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending