Wil Dasovich may sagot kay Alodia: Ako nga pala 'yung sinaing mo Bandera

Wil Dasovich may sagot kay Alodia: Ako nga pala ‘yung sinaing mo

Therese Arceo |January 14,2022
share this

Wil Dasovich may sagot kay Alodia: Ako nga pala ‘yung sinaing mo

Therese Arceo January 14, 2022 - 07:34 PM

Wil Dasovich may sagot kay Alodia: Ako nga pala 'yung sinaing mo

MAY kwelang ganti ang vlogger at social media influencer na si Wil Dasovich sa nag-trending na post ng kanyang ex-dyowa na si Alodia Gosiengfiao.

Kahapon, January 13, nang maging usap-usapan sa social media ang naging post ng cosplayer, gamer, at entrepreneur na si Alodia kung saan ang caption nito sa kanyang larawan ay “Hi. Ako nga pala yung sinayang mo.”

Marami sa mga netizens ang nag-react at tinag sa comment section ang dati nitong karelasyon na si Wil Dasovich.

Maski nga ang mga malalapit sa dalaga gaya ng kapatid nito ay nakisali na rin at inasar si Alodia sa pamamagitan ng pagsasabing “Tag ko na ba?”

Nagkaroon naman ng pagkukusa si Wil ay siya na mismo ang nag-comment at sinabing “Wag na nagboblow up na fone ko alam ko na! Nakupo!” ngunit na-delete rin ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alodia Gosiengfiao (@alodia)

At ngayon nga ay tila may ganting post rin si Wil para sa kanyang dating kasintahan.

“Hi, ako nga pala yung sinaing mo,” caption ni Wil sa kanyang larawan na may hawak na rice cooker na may sinaing.

Nag-comment naman sa kanyang post ang kapatid ni Alodia na si Ashley Gosiengfiao.

“Tag ko na yung kusinero,” saad nito na nireplyan naman ni Wil ng “wag na, baka nagboblow up na fone niyan.”

Tinag naman ng isa pang gamer na so Ghost Wrecker si Alodia sa post ni Wil.

“Boss Alodia Gosiengfiao nagpaparinig boss Wil oh,” sey nito.

Sey naman ng isang netizen, “Yan na! Si Ex pa rin sa 2022!!”

Marami rin sa mga netizens ang umaasa na magkakaroon ng comeback ang dalawa ngayong 2022 lalo na at mukhang maayos naman ang lahat sa pagitan ng dalawa.

Matatandaang isa ang hiwalayang Alodia-Wil sa talaga namang pinag-usapan noong 2021.

Naghiwalay ang dalawa noong Nobyembre na siyang inamin mismo ni Alodia.

May ilang mga pangalang nadamay ngunit nanatili namang tahimik ang mga ito ukol sa isyu.

Pero posible pa nga ba talaga ang comeback ng dalawa gayong sinabi na noon ni Alodia na wala nang comeback na mangyayari dahil ilang beses na rin nilang sinubukang ayusin ang kanilang relasyon bago sila tuluyang nagdesisyon na maghiwalay noong Nobyembre.

Pero anong malay natin, di ba? Sabi nga sa kanta ni Nina, love moves in mysterious ways. Baka namang oras lang ang kailangan para muli nilang makita ang daan pabalik sa isa’t isa.

 

Related Chika:
Alodia Gosiengfiao may pak na pak na hugot sa lovelife: Hi! Ako nga pala yung sinayang mo…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending