Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame! Bandera

Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!

Ervin Santiago |November 15,2021
share this

Alodia Gosiengfiao, Wil Dasovich naghiwalay na: Wala na kame!

Ervin Santiago November 15, 2021 - 09:08 AM

Alodia Gosiengfiao at Wil Dasovich

CONFIRMED! Naghiwalay na ang kilalang cosplayer at gamer na si Alodia Gosiengfiao at ang sikat na vlogger na si Wil Dasovich.

Ikinalungkot ng kanilang mga kaibigan at supporters ang balitang break na ang celebrity couple dahil nga inaasahan na ng lahat na sa kasalan na mauuwi ang ilang taon na rin nilang relasyon.

Mismong si Alodia ang nagkumpirma ng malungkot na balita sa lahat ng mga tagasuporta nila ni Wil sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Diretsahan na niyang sinagot ang lahat ng nagtatanong kung ano ba talaga ang tunay na estado ng relasyon nila ng kilalang YouTuber.

Pero ayon kay Alodia, sinubukan naman nila ng kanyang ex-boyfriend na ayusin ang kanilang relasyon ngunit hindi pa rin umubra kaya nagdesisyon silang magkanya-kanya na ng landas.

Pahayag ni Alodia, “To those asking, wala na kame. It’s been a while. We tried to work things out many times but some things are not meant to be. 

“I hope you respect our privacy during this time in our lives. (pray emoji),” aniya pa.


Halos lahat ng nagkomento sa FB post ng online gamer at cosplayer ay nanghinayang sa paghihiwalay ng celebrity couple. Inakala raw kasi nila na pang-forever na rin ang kanilang love story.

Comment ng isa nilang supporter, “Sayang naman! Ang tagal nyo na rin ni Wil, sana maayos nyo pa yan. Baka naman need nyo lang ng alone and me time.”

“Stream All Too Well (Taylor’s Version) Hope, you find someone who will let you remember just the goods things in life, all too well,” sabi naman ng isang FB user.

Mensahe ng isa pang netizen, “We love you both, and we pray for the best for both of you. Whatever your path choices be.”

“Praying for you two. We still hope na magkaroon ng chance na magkabalikan kayo dahil bagay na bagay kayo for each other. God bless you two. Praying for your happiness!” ang sabi ng isa pa nilang fan.

Kung matatandaan, nito lang Oct. 1, 2021 ay naglabas pa ng vlog sa YouTube si Wil kasama si Alodia kung saan nakachikahan nila si Oliver Austria, ang nag-design ng kanilang dream house.

Taong 2018 nang kinumpirmahin nina Wil at Alodia na magdyowa na sila. Puring-puri pa nga ng madlang pipol ang cosplayer dahil sa suporta at pag-alalay niya kay Wil nang magkaroon ito ng colon cancer. 

Noong 2019 naman inakala ng lahat na buntis na si Alodia nang batiin ni Wil ang kanyang ex-partner sa mismong Mother’s Day.

Wil Dasovich, wagi sa international vlog fest

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending