Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas | Bandera

Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas

Ervin Santiago |January 25,2022
facebook
share this

Bong nagpakundisyon ng katawan: Mga bata ang kasabay ko kaya kailangang magpakitang-gilas

Ervin Santiago - January 25, 2022 - 07:15 AM

Rabiya Mateo at Bong Revilla, Jr.

KINARIR nang bonggang-bongga ni Sen. Bong Revilla ang pagpapakundisyon ng katawan para sa season 2 ng weekly action-fantasy series ng GMA na “Agimat ng Agila”.

Kitang-kita naman ang resulta ng pagpapakapagod at disiplinang pinairal ng actor-politician base sa trailer ng kanyang pagbabalik sa inaabangang sequel ng “Agimat ng Agila” kung saan kasama pa rin ang original niyang leading lady na si Sanya Lopez with his new partner Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Ayon sa veteran actor, umaasa siya na susuportahan pa rin ng mga Kapuso viewers ang pagpapatuloy ng kuwento ng kanilang programa tulad ng pagtangkilik ng televiewers sa season 1 na nagsilbing comeback project ni Bong makalipas ang walong taong pagpapahinga sa showbiz.

Kuwento ng senador at action star sa naganap na online presscon ng GMA, talagang pinaghandaan niya ang season 2 ng “Agimat ng Agila” sa pamamagitan ng pagpapapayat at regular training para sa mga buwis-buhay na action scenes niya.

“I’m very proud of this project at magagaling talaga yung mga kasamahan ko.

“Talagang nagpakundisyon ako physically at siyempre, we’re not getting any younger. Mga bata itong mga kasabay ko, so kailangan magpakitang-gilas din tayo.

“I work out almost every day. I do my boxing and kick boxing. Pati yung mga rolling-rolling na iyan, pagulong-pagulong, nandoon pa rin yung training,” kuwento pa ng aktor na feeling 35 years old lang daw ngayon.

View this post on Instagram

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Dagdag pa niyang chika, “Hindi tayo puwedeng kumawala diyan kasi lalo na sa mga ginagawa nating action scenes.” 

Pagmamalaki pa niya, talagang mapapansin ng manonood ang malaking pagkakaiba ng katawan at itsura niya sa season 2 ng “Agimat ng Agila” sa unang part nito.

Samantala, naniniwala rin ang beteranong aktor na never mawawala ang mga action movie at serye sa entertainment industry. 

Naikuwento niya sa press ang mga nangyari raw noong dekada ’70 na ibinahagi sa kanya ng namayapang ama na si Ramon Revilla, Sr..

“Action films will always be there. Mawawala iyan for a while pero babalik iyan. Maski noong panahon ng ’70s, ikinukuwento ng tatay ko at ni FPJ (Fernando Poe, Jr.) nu’ng pumasok yung bold movies, nawala yung action films pero bumalik pa rin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, action films like sa television, ngayon, mas in yung television, babalik at babalik iyan. Tayo naman hangga’t nandirito tayo, kaya pa natin umaksyon, gagawa tayo ng magagandang aksyon para hindi mawala ito,” sey ni Bong. 

Bong sumabak sa matinding training para sa Agimat Ng Agila: Hindi ko talaga maiiwan ang showbiz

Payo ni Bong kay Sanya: Magpakabait ka lang at huwag lalaki ang ulo

Rabiya: Kung magbo-boyfriend ako sana non-showbiz, tapos itatago ko na lang po…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending