Apo Whang-od sumailalim sa ‘surgery’ matapos mabalian ng kamay
NAAKSIDENTE at inoperahan ang sikat na tattoo artist o “mambabatok” na si Apo Whang-od kamakailan lang.
Ito ang ibinalita ng kanyang kaanak at kapwa-tattoo artist na si Anna Tambalong sa isang interview with INQUIRER.net.
Kwento ni Anna, nadulas si Whang-od sa banyo noong Hulyo at nabali ang kaliwang kamay nito.
Dahil daw diyan ay mahigit isang buwan nang hindi nagta-tattoo ang 107-year-old tattoo artist.
Baka Bet Mo: Nas Daily naglabas ng ebidensiya para patunayang hindi scam ang Whang-Od Academy
“Umabot ng one week naramdaman nIya na sumasakit at sinuggest na magpaopera. Hindi diretsong inopera kasi hinilot pa,” pagbabahagi niya.
Ito pala ang rason kaya may nakita kaming recent photos ni Whang-od na may bandage ang isa niyang kamay.
Sinabi rin ni Anna na noong August 12 lamang nang sumailalim sa surgery ang legendary mambabatok.
Nang tanungin naman kung kailan ulit makakapag-tattoo si Whang-od.
Ang sagot ng kaanak ay kailangan pang antayin kung papayagan na ito ng surgeon.
“Kailangang magpahinga muna raw siya,” sey niya.
Gayunpaman, marami pa rin ang nagpupuntang turista sa Buscalan tattoo village sa Tinglayan, Kalinga upang ma-meet at makapagpa-picture kay Whang-od.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.