Nas Daily naglabas ng ebidensiya para patunayang hindi scam ang Whang-Od Academy
BINASAG na ni Nuseir Yassin na mas kilala sa online channel nito na Nas Daily ang kanyang katahimikan matapos maakusahan ang Whang-Od Academy bilang “scam”.
Ang Whang-Od Academy ay isa sa mga kurso na ino-offer ni Nuseir sa kanyang Nas Academy.
Nag-post ito sa Facebook page na Nas Academy ng kaniyang panayam ukol sa isyu kasama ang isang 22-second video ni Whang Od na naglalagay ng thumb mark sa isang kontrata.
Ayon kay Nas, nalulungkot raw ito dahil sa kumakalat na balita tungkol sa Whang-Od Academy kaya nag-post siya ng video bilang patunay na legitimate ito at pabulaanan ang alegasyon na ito’y isang scam.
“We approached Whang-Od because just like you, we love her. We love her traditions, and are inspired by her. We wanted to share her culture for future generations to appreciate and respect the ancient Kalinga tradition of mambabatok,” saad nito.
“So we pitched her family the idea of creating Whang-Od Academy. Her and her family present both loved this idea, and have worked WITH US to build it, with Whang-Od teaching herself.
“As a matter of fact, Whang-Od’s trusted niece, Estella Palangdao, was present and translated the content of the contract prior to Whang-Od affixing her thumbprint, signifying her full consent to the project.
“This is the clearest evidence that it is not a scam and achieved the consent of her and her immediate family,” dagdag niya.
Ayon pa sa kanya, bayad raw ang lahat at sa bawat sales daw ng Whang-Od Academy, mapupunta ito kay Whang-Od pati na rin sa pamilya nito. Siya lamang daw ang magbibigay ng marketing at technology para maisakatuparan ang plano.
Kaya naman daw nang kumalat ang akusasyon na scam ito, agad itong ikinalungkot ni Nas.
“So naturally, when we saw the falsehoods circulating online, we were sad. The truth is often times not as simple as a ‘tweet.’ And online falsehoods can be dangerous. Out of respect for her family, we temporarily took down Whang-Od Academy while we resolve any issues that have arisen from these falsehoods,” saad nito.
Ayon pa sa kanya, nirerespeto niya raw ang mga kultura at tradisyon ng mga Pilipino lalo na’t halos kalahati ng crew ng Nas Academy ay mga Pinoy.
“40% of Nas Academy is made up of Filipinos. So for us, this is personal. We care deeply about the Philippines and respect the many cultures and traditions that exist across the country. And we have all come together to make the world a better place,” dagdag pa nito.
Sa huli ay nagpasalamat siya sa mga taong patuloy pa rin ang suporta sa kanyang misyon.
Nagsimula ang kontrobersiya nang kumalat ang Facebook post ng pamangkin ni Whang-Od na si Gracia Palicas na nagsasabing wala daw pinirmahang kontrata ang kanyang lola.
Humingi pa nga ito ng tulong para matigil ang pang-e-exploit sa legacy ni Apo Whang-Od at ng Butbot Tribe dahil may mga tao raw na gustong mag-take advantage dito.
Sa ngayon, deleted na ang Facebook post ni Gracia Palicas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.