Bong Revilla nagkaroon ng love child: Alam ni Lani ‘yun
NABULAGA si Senator Bong Revilla Jr sa tanong sa kanya kung may love child siya sa ginanap na media launch ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 3 kaninang tanghali sa Novotel Hotel.
May kuneksyon din naman kasi ang tanong sa base sa titulo ng TV series niyang ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis”.
Natanong kung halimbawang may biglang sumulpot at magpakilalang anak siya ng magiting ba senador sa ibang babae ano ang gagawin niya.
Baka Bet Mo: Bong Revilla 2 parangal ang natanggap bilang public servant
View this post on Instagram
“Siyempre, aniya, ang una niyang gagawin ay ipapa-DNA test muna ang bata at kung talagang anak mo siya, dapat, panagutan mo mo ‘yun,” saad ni Sen. Bong.
Meron nga ba?
Napangiti muna ang senador at sabay sabing, “Alam ni Lani yun. Meron, meron. Makikilala n’yo rin kung sino siya (o) sila.
Nabanggit pa, “Pag anak mo, anak mo ‘yun. Dugo mo ‘yun. At hindi ko ikinahihiya ‘yung ganu’n.
“Bilang isang ama, ayokong magkasakitan ng loob ‘yung mga anak ko, pero maiintindihan naman nila ‘yun. Alam mo na patas ako sa mga anak ko.”
Anyway, inamin ni Sen. Bong na na-miss niyang gumawa ng pelikula at kung hindi siya nagkaroon ng aksidente ay tiyak na may entry siya sa 50th Metro Manila Film Festival.
Kaya naman ibinuhos niya ang pagkasabik sa paggawa ng pelikula sa napakandang trailer ng “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” dahil ang ganda, ang linis, glossy ang trailer ng season 3.
Nagulat kami sa action scenes ng senador na akala mo ay nasa edad 40 pataas dahil walang takot sa mga stunts niya, as in.
Ang ganda ng ngiti ni Sen. Bong sa mga papuring narinig niya mula sa mga entertainment press at vloggers/bloggers.
At siyempre abut-abot ang pasalamat ng senador sa GMA 7 dahil sa suportang ibinibigay sa kanya sa matagal na panahon.
Pag-iimbita ng senador para sa season 3 ng TV series, “Magsisimula na ngayong Dec. 22, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.”
Ang kasama sa series ay sins Beauty Gonzalez, Leo Martinez,Jillian Ward, Nino Muhlach, Faith Da Silva, Gloria Diaz, Jay Manalo, Joko Diaz, Sid Lucero, Ryan Eigenmann at iba pa.
Mula sa direksyon nina Enzo Williams at Rechie del Carmen handog ng Imus Productions and GMA 7.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.