Bong Revilla umapela kay Pres. Bongbong Marcos na i-lift ang suspensiyon ng ‘It’s Showtime’: Consider the welfare of all the staff and crew
HILING ni Sen. Bong Revilla sa Office of the President (OP) na isaalang-alang sana ang mga empleyado na “no work, no pay” sakaling maghaing muli ang Kapamilya noontime program na “It’s Showtime” ng apela ukol sa 12-day suspension na ipinataw ng Movie Television Review and Clissification Board o MTRCB.
Ito ay matapos ilabas ng nasabing ahensya ang resolution ng pagde-deny nito ng Motion for Reconsideration na inihain ng “It’s Showtime” nang mapatawan ng suspensisyon dahil sa controversial icing incident ng mag-partner na sina Vice Ganda at Ion Perez.
“Without getting into the merits of the case, sana na-consider ng MTRCB ang kapakanan nung mga maliliit na staff at crew nung show na wala namang kinalaman at kasalanan dun sa nangyari,” saad ni Revilla.
Pagpapatuloy niya, “Sila yung mga ‘no work-no pay’ na kung matutuloy ang suspension ay dalawang linggong walang kikitain at kakainin.”
Baka Bet Mo: ‘It’s Showtime’ pinatawan ng 12-day suspension ng MTRCB dahil sa pagkain ng icing nina Vice Ganda at Ion Perez
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Bong, maaari taw mag-file ulit ng apela ang ABS-CBN at GMA sa Office of the President sa loob ng labinlimang araw.
“I think lessons have been learned.
“Kung nagkaroon man ng pagkakamali, ang kasalanan ni Juan ay hindi kasalanan ni Pedro. So I hope we don’t punish those working hard day in-day out just to eke out a living,” giit pa ni Sen. Bong.
Matatandaang una nang nagpataw ang MTRCB ng 12-day suspension sa “It’s Showtime” matapos makatanggap ng ahensya ng mga reklamo ukol sa noontime show partikular na ang naging kontrobersyal na pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng icing na diumano’y sa pamamagitan ng malaswang pamamaraan sa harap ng mga batang kasama sa segment na “Isip Bata”.
Related Chika:
Bong Revilla 50 years na sa showbiz, inalala ang kabilin-bilinan ng ama: huwag na huwag mali-late sa shooting, maging professional
Regalo ni Bong Revilla para sa 55th birthday ni Lani Mercado: ‘Katawan ko!’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.