Regalo ni Bong Revilla para sa 55th birthday ni Lani Mercado: 'Katawan ko!' | Bandera

Regalo ni Bong Revilla para sa 55th birthday ni Lani Mercado: ‘Katawan ko!’

Ervin Santiago |April 05,2023
facebook
share this

Regalo ni Bong Revilla para sa 55th birthday ni Lani Mercado: ‘Katawan ko!’

Ervin Santiago - April 05, 2023 - 06:50 AM

Regalo ni Bong Revilla para sa 55th birthday ni Lani Mercado: 'Katawan ko!'

Lani Mercado at Bong Revilla

TAWA kami nang tawa sa palitan ng punchlines ng celebrity couple na sina Sen. Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado nang makachikahan sila ng ilang members ng entertaiment press kamakailan.

Nakachikahan ng mga entertainment editors ang senador at ang pinakamamahal niyang wifey na si Congresswoman Lani nitong nagdaang Lunes, April 3, kung saan nagbahagi ang mag-asawa ng ilang mahahalagang detalye tungkol sa kanilang pagsasama bilang married couple.

Sa darating na April 13 ay magdiriwang si Lani ng kanyang 55th birthday at in fairness ha, mukhang nasa 40s lang ang aktres tulad din ng asawa niyang senador na batambata pa rin sa edad nitong 56.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Natanong ng press si Sen. Bong kung ano ang regalo niya sa birthday ng asawa, “Ang aking katawan! Ang aking katawan at ang aking labi. Matamis na halik!” Na sinundan pa niya ng malakas na tawa.

Reaksyon naman ni Rep. Lani, “Katawan niya? Ha-hahaha! Basta quality time!”

Hirit naman ni Sen. Bong, “So, ipamimigay mo na ang katawan ko?” Sagot ng aktres at kongresista, “No! Hindi kita ipamimigay. Sorry na lang sila!”

Baka Bet Mo: Ai Ai, Lani, Christian sa The Clash 4: Hinahanap namin total package, pero sana mabait din, walang attitude

In feyr, hindi talaga tumatanda si Lani at sa edad na 55 ay mukha pa rin siyang bata, “Alagang Senator Bong siyempre!”

Ang wish lang ng aktres at public servant para sa kanyang kaarawan ay ang maging healthy ang asawang si Bong at ang buong pamilya nila.

“Especially lately na ang daming operasyon na pinagdaanan si Bong. So, health for my whole family talaga,” ang pahayag pa ni Lani.

Samantala, muling mapapanood ang action star sa bagong romcom-comedy series ng GMA 7 na “Walang Matigas na Pulis, Sa Matinik na Misis”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ramon Bong Revilla, Jr. (@bongrevillajrph)


Hindi pa sinabi ng senador kung sino ang gaganap na misis niya sa bagong weekly serye ng GMA 7. Aniya, ang GMA 7 ang mag-a-announce tungkol sa nasabing project.

Natanong naman si Lani kung aprubado ba sa kanya ang bagong leading lady ni Bong na pinaniniwalaang si Beauty Gonzalez.

“Hindi naman ako nag-a-approve. Channel 7 ang nag-approve. Basta go lang nang go!” sabi ni Lani.

Ito naman ang advice niya sa mga youngstars na gusto ring makatrabaho si Michelle at ng iba pa niyang mga kapatid.

“Magaling na leading man si Sen. Bong. Tapatan niya. Ha-hahaha! Pero collaboration on naman ‘yan!” ayon sa netizen.

Ayon naman sa mga organizer ng event, sa Amerika muna  magbabakasyon sa Palawan sina Lani at Bong kasama ang kanyang mga anak.

Lani Mercado binoldyak ng netizens matapos ipagtanggol si Sara Duterte

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bong Revilla balik na sa pagba-vlog, ibinandera ang ‘greatest’ lesson na natutunan sa ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending