Lani Mercado binoldyak ng netizens matapos ipagtanggol si Sara Duterte
Sara Duterte at Lani Mercado
HINDI nagustuhan ng netizens ang pagtatanggol ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa naging sagot nito sa tanong kung ano ang maaari niyang imungkahi para sa mga kabataan bilang future leaders ng ating bansa.
Base sa inilabas ng Inquirer.net, ayon kay Inday Sara gusto niyang gayahin ang bansang South Korea at Israel na pumapasok sa military ang mga kabataang edad 18 para mag-training.
Aniya, “We see this in other countries like South Korea and Israel. It should not just be like ROTC (Reserved Officers’ Training Corps) where it’s just one subject or one weekend or a month in a year.
“Everyone, once your turn 18, once you reach 18 years old, you will be given a subsidy. You will be asked to serve our country under our Armed Forces of the Philippines,” sabi pa ng vice-presidential aspirant.
Marami ang hindi nagkagusto sa pahayag na ito ng politiko at hindi pa man nakaupo sa pwesto ay nasabihan na agad siya na diktadora ng netizens.
Sabi ni @Zenitram Ruth, “Diktadora din ang sapakera.”
Sinagot ni @Nenita Mantes Mandap ang sinabing dikatora ni @Zenitram Ruth, “Diktador agad dba pwede pag-trainingun lang para maging reserved…tulad ng mga ginagawa hslimbawa na lang dito sa Dubai at karatig bansa, mandatory ang pag training ng mga kalalakihan nila sa military.”
Pero nakakita nga ng kakampi si Inday Sara kay Bacoor City Mayor Lani, “Mayor Inday’s statement came from a question by one of the NMYL officers asking about how will they encourage aspiring youth leaders to be good leaders in the future?
“What programs would you implement to encourage them to participate and be part of being service oriented. That’s her answer.
“This will instill discipline among our youth. This will also be useful incase there is unrest. Survival training is also essential. Pagtumira sa bundok alam ang gagawin. Iba ang training n’yan,” paliwanag ng misis ni Sen. Bong Revilla.
View this post on Instagram
Umalma naman si Len Banson-Piano sa paliwanag ni Mayor Lani, “BAKIT TITIRA SA BUNDOK?!?
“Hindi kailangan mag military training para matutunan ang tamang paglilingkod sa tao AT pagmamahal sa bayan. ‘Yung iba nga dyan, ilang dekada na sa ‘public service’, nangungurakot pa rin, DIBA?
“Question: ang partylist po na na Agimat ay ano ang adbokasiya at anung marginalized group ang nire-represent? As in curious lang. Nagkalat kasi ang tarps sa Cavite e picture lang naman ni Hindi-Ko-Kilala at Budots ang asa poster. Movie poster ba ito? Fans Club? Wala po kasing description.”
Sumagot si Charlene Robelle Locaylocay-Ramos, “@Len Banson-Piano it represents albularyos and faith healers.”
Say naman ni @Kristina Marie Lopez, “Lani Mercado Revilla We understand that that kasi pinagdaanan naman namin ‘yan kayang-kaya explain s mga anak pero ‘yung sa bundok parang sa Boy scout/Girl scout ‘yun.”
Pabor naman si @Rafael J. Roxas sa plano ni Inday Sara, “A good idea as long as the children of politicians and millionaires do not evade the military training by studying abroad.”
Iba naman ang opinyon ni @Abner Babiera, “Rafael J. Roxas hinde mangyari ‘yan sa Pinas dahil dto barkada atmosphere at palakasan. Kung nagkataon mga estudyante pa bibili ng mga uniform at related needs so dagdag pasanin pa yan sa magulang. Ang ROTC na nga lang hinde na maintain y’an p kya proposal nya.”
Humirit ulit si @Len Banson-Piano, “Further… di talaga ako ngayon maka-move on sa pagtira sa bundok. Nakapag-research na po ba kayo ngayon kung papano na ang hitsura ng gera??? Meron pa bang nagtatago sa bundok?? WALA NA. ang labanan ngayon: techonology, biological warfare, economic sabotage. ano ka, magtatago sa bundok, sa kweba, parang si Aguinaldo?
“Susme. Beef up your research, civilian readiness, masusing pagkilala sa tunay na threat at panganib. Marunong ka nga tumira sa bundok e mayCOVID ka naman, as in yung unang variant, ‘yung galing Wuhan. Tas naniwala ka kay Acosta na nakamamatay ang vaccine. Kahit mala-Rambo ang kakayahan mo, matatalo ka rin.”
Sa mahigit 1,000 komentong nabasa namin sa thread ng online website ay hindi maganda ang mga sinabi kay Mayor Lani at wala na siyang sinagot sa mga batikos sa kanya.
Bukas naman ang BANDERA para sa panig ni Mayor Lani Mercado-Revilla.
https://bandera.inquirer.net/294723/duterte-pabigat-sa-kandidatura-ni-mayor-sara
https://bandera.inquirer.net/295452/derek-ellen-muling-nagpasabog-ng-kilig-sa-prenup-video-naghalikan-sa-tuktok-ng-bundok
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.