Mayor Lani Mercado inireklamo sa reclamation ng Manila Bay
INIREKLAMO sa Ombudsman si Bacoor City Mayor Lani Mercado kaugnay ng isinasagawa umanong reclamation sa lungsod na nakakaapekto kabuhayan ng may 700 pamilya.
Sinabi ng mga mangingisda at miyembro ng grupong Anakpawis at Pamalakaya, nilabag ni Mercado ang mga environmental law gaya ng 2008 Supreme Court mandamus para sa paglilinis ng Manila Bay, Manila Bay Rehabilitation Program ng Department of Environment and Natural Resources at maging ng Administrative Order na ipinalabas ni Pangulong Duterte.
Umaabot umano sa 420 hektarya ang planong tabunan.
Apektado umano ang pamumula ng mga mangingisda sa isinagawang reklamasyon ng fishpond sa Brgy. Maliksi III na nasa gilid ng isang sementeryo.
“It is dump-filling the fish pond with materials mixed with garbage and is threatening to destroy the remaining mangrove forests in the coastal town,” saad ng reklamo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.