Bong sumabak sa matinding training para sa Agimat Ng Agila: Hindi ko talaga maiiwan ang showbiz | Bandera

Bong sumabak sa matinding training para sa Agimat Ng Agila: Hindi ko talaga maiiwan ang showbiz

Ervin Santiago |April 28,2021
facebook
share this

Bong sumabak sa matinding training para sa Agimat Ng Agila: Hindi ko talaga maiiwan ang showbiz

Ervin Santiago - April 28, 2021 - 05:11 PM

MAKALIPAS ang napakahabang panahon taon, muling sasabak sa aktingan at maaksyong eksena ang actor-politician na si Sen. Bong Revilla.

Bibida ang action star sa fantasy-action drama series ng GMA 7 na “Agimat Ng Agila” kung saan makakatambal niya ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Gaganap si Bong sa serye bilang si Major Gabriel Labrador, ang matapang na leader ng Task Force Kalikasan na inakusahang pumatay sa kanyang pamilya at napiling bagong tagapagmana ng “agimat ng agila.”

Ayon kay Bong, bukod sa maaaksyong eksena at bonggang special effects ng “Agimat Ng Agila”, magsisilbi rin itong inspirasyon at paalala sa pag-aalaga sa ating kalikasan.

“Acting is an integral part of my life, and I owe who I am today to the industry. Hindi ko talaga maiiwan ang industriya.

“Na-miss ko rin ‘yung camaraderie and ‘yung collective creativity with my co-workers, from co-actors to the writers, the directors, the crew, and the staff. All in all, na-miss ko ‘yung buong experience, and I am blessed to be doing it again,” pahayag ng senador.

Umaasa rin siya na mas magiging aware ang mga Filipino sa mga nangyayari ngayon sa ating kalikasan, “Napakaganda ng Pilipinas at punong-puno ito ng likas na yaman.

“Agimat ng Agila shows this — the rich ecosystem and biodiversity in the country. Ipinakita rin namin dito ang epekto nito sa mga tao — the good and bad.

“Kung maipapaalala lang namin sa mga tao ang kagandahan ng ating kalikasan at ang mga simpleng pwedeng gawin para huwag nang lalo pa masira ito, then we have imparted a meaningful message,” lahad ng nagbabalik-showbiz na aktor.

Pagbabahagi pa ng senador, matindi rin ang ginawa niyang pagghahanda para sa proyektong ito, “Dahil halos five years akong hindi nakaharap sa camera, and the circumstances behind it, ang ginawa kong mental attitude is para akong nag-uumpisa ulit.

“Matindi kasi ‘yung parang ring rust ng fighters. Siyempre ayaw natin i-disappoint ang ating mga tagahanga at manonood na matagal naghintay na mapanood tayo ulit,” sey pa niya.

Sumailalim din daw siya sa physical training, “I physically trained for no less than three hours a day for months, weights, running, cardio, muay thai, boxing at iba pang mixed martial arts. Nagre-train din ako sa weapons para lang bumalik ‘yung muscle memory.”

Bukod kay Sanya na magiging love interest nga ni Bong sa kuwento, ka-join din sa upcoming serye ng GMA sina Elizabeth Oropesa, Roi Vinzon, Benjie Paras, Michelle Dee, EA Guzman, Miggs Cuaderno, Ian Ignacio and with the special participation of Sheryl Cruz.

Nandiyan din sina King Gutierrez,  Jhong Cuenca, Mike Lloren, Althea Ablan, Dentrix Ponce at Seth Dela Cruz.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Abangan ang world premiere ng “Agimat Ng Agila” mula sa direksyon ni Rico Gutierrez, sa May 1, Sabado ng gabi sa on GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending