Lani namatayan ng apo; problema sa pandinig dahil sa bacterial meningitis lumala | Bandera

Lani namatayan ng apo; problema sa pandinig dahil sa bacterial meningitis lumala

Ervin Santiago - September 29, 2021 - 10:30 AM

Lani Misalucha

MATINDI talaga ang mga pinagdaanang challenges ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha at ng kanyang asawang si Noli noong nagdaang taon.

Hindi lang pala ang kanilang pagkakasakit ang hinarap nila noong panahong yun kundi pati na rin ang pagluluksa sa pagkawala ng kanilang apo.

Sa virtual mediacon kahapon ng “The Clash 2021” kung saan magbabalik na nga si Lani bilang isa sa Clash Panel, naibahagi muli ng OPM icon ang mga hamon ng buhay na kanilang kinaharap.

Na-diagnose ng bacterial meningitis o inflammation sa lining ng utak at ng spinal cord ang mag-asawa, at hanggang ngayon daw ay may epekto pa rin ito sa pandinig ni Lani.

Pagbabalik-tanaw ng singer, “Karamihan walang trabaho, na-shutdown lahat ng establishments, kumbaga, lahat talaga naapektuhan.

“‘Tapos siyempre, nagdarasal ka lang. Sana po iligtas n’yo po ang mga mahal namin sa buhay, ang aming buhay. Iligtas n’yo po kami from this disease so nasagot naman ng Diyos na hindi naman nagkasakit pero iba naman ‘yung ibinigay na sakit.

“Alam mo ‘yun, parang hindi mo aakalain na mangyayari sa ‘yo ‘yung nangyari para kang caught off guard talaga, parang it’s just really happening,” pahayag ni Lani.

Inamin din niya na dahil sa bacterial meningitis ay maaaring mawala nang tuluyan ang kanyang pandinig sa kanang tainga.

“Since mag-anniversary na kami ng husband ko next month since maospital, one year na, parang mukhang permanent na ‘yung damage kasi, sabi nila, at least half a year dapat meron ng improvement o changes. May nakita kaming changes pero ‘yung changes nag-worsen.

“So ‘yun ang nangyari, siyempre. hindi balanced ‘yung pandinig ko, so wala na ring balance sa brain mo, kumbaga nawala ‘yung equilibrium,” sey ni Lani.

“So, hindi na ko pwede maging dancer, so ‘yun pa naman ang isang forte ko, ang pagsayaw, so hindi na ako makakasabay kay Rayver (Cruz),” aniya pa.

Patuloy pa niya, “Actually, prior pa ‘yun noong nagkasakit kami ng husband ko, talagang pareho kaming na-hospitalize because of the bacterial meningitis, just a month earlier, na-triple bypass siya.

“Out of nowhere na hindi ko akalain na mangyayari so parang ‘Ha? Heart attack e, napakametikuloso niya sa kanyang health.” So, alam mo ‘yung mga ganoong bagay na sunud-sunod, triple bypass in August, bacterial meningitis ng October,” sabi pa ng judge ng “The Clash.”

Kasunod nito, naging emosyonal na siya nang magkuwento tungkol sa pagkawala ng kanyang apo, “And then, I lost a grandson, parang ‘yung mga ganoon ba na, sige bring it on.

“Alam mo ‘yun? Na parang walang panama ‘yung sakit sa totoo lang. Hind mo talaga maintindihan ‘yung makita mo ‘yung agony ng anak ko na hawak-hawak niya ‘yung lifeless son n’ya.

“‘Yan talaga ang ‘di ko mate-take na makita ko na they were in the hospital and then, magka-video call kami, ‘yun talaga…

“Okay na sa akin ’yung nagkasakit kami, nakayanan namin ’yun, nalagpasan namin ’yun. ’Yung image sa akin na hindi ko mabura sa utak ko, ’yung my daughter is in a hospital bed and she has her son in her arms na wala na,” maluha-luhang pahayag ni Lani sa panayam ng GMANetwork.

“So ang tanong ko paano ka magko-cope sa mga ganoong pangyayari na might as well accept it, ‘di ba? You cannot blame anyone and you cannot even ask God why all are these happening.

“I guess all of these are happening because it has to and it has a reason behind all this, and we’re gonna find the reason why pero ang pinaka-key lang natin is acceptance and just rely on God’s purpose for you and siguro ang pinakanatutunan ko na lang is to use it as something that would make you stronger,” aniya pa.

Samantala, muli ngang makakasama ni Lani sa bagong season ng “The Clash” sina Ai Ai Delas Alas at Christian Bautista, bilang mga judge. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Magsisimula na ang panibagong kabugan at matitinding showdown sa “The Clash 2021” ngayong Oct. 2 sa GMA 7.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending