Lani Misalucha ninakawan daw ng 'Lyka gems', 'Bigo beans', nagreklamo kay Tulfo | Bandera

Lani Misalucha ninakawan daw ng ‘Lyka gems’, ‘Bigo beans’, nagreklamo kay Tulfo

Ervin Santiago |February 01,2021
facebook
share this

Lani Misalucha ninakawan daw ng ‘Lyka gems’, ‘Bigo beans’, nagreklamo kay Tulfo

Ervin Santiago - February 01, 2021 - 07:53 PM

INIREKLAMO ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha ang dating admin ng dalawa niyang social media app na Lyka at Bigo.

Ito’y matapos umano siyang pagnakawan ng “gems” at “beans” na kanyang naipon sa pamamagitan ng pag-e-entertain online sa kanyang mga tagasuporta.

Dumulog ang OPM icon sa programa ni Raffy Tulfo ngayong araw para maaksyunan agad ang kanyang reklamo laban sa dating admin ng kanyang Lyka at Bigo accounts.

Aniya, inilipat daw nito sa kanyang account ang mga naipon niyang gems at beans na kapag nai-convert daw sa cash ay aabot sa mahigit P100,000.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang Lyka ay isa ring social media application kung saan ang bawat like ay tinatawag na “gems” at ang bawat gem ay nagkakahalaga ng one peso.

Samantala, ang Bigo naman ay isang live-streaming platform kung saan pwedeng magkaroon ng “beans” ang mga streamer kapag binigyan sila ng kanilang mga viewers na maaaring maging “diamonds” na ang bawat isa ay may halagang P17.00.

Kuwento ni Lani, pinayuhan siya ng dati niyang admin na ipa-encash na ang kanyang mga gems at beans para mapakinabangan na niya. Ito yung panahon na nagkasakit sila ng kanyang asawa at naospital dahil sa bacterial meningitis.

Ngunit hanggang ngayon nga ay hindi pa ibinibigay sa kanya ang pera. Dito na nga nalaman ng veteran singer na hindi na ang number niya ang naka-register sa kanyang Lyka at Bigo accounts.

“Hindi natin alam baka na-encash niya na nga kasi hindi ko naman po nakikita kung ano na ang ginawa niya dun, e. Pero mukhang wala na din siyang gems sa kanyang account,” pahayag ni Lani.

Aminado naman siya na may pagkakamali rin siya sa nangyari dahil kahit hindi pa niya masyadong kakilala ang dating admin ay nagtiwala siya agad dito, “At ‘yan talaga ang isang mali ko, na nag-trust ako sa kanya.

“Ang ano ko naman dito ay sana wala na siyang mapagawan ng ganyan dahil po meron pa rin siyang pinagkakautangan na isa na hanggang ngayon ay hindi pa niya nabayaran,” paliwanag pa niya.

Mensahe niya sa dating admin ng kanyang socmed accounts, “Alam mo madali talaga akong mag-trust only because alam ko at inaasahan ko na ang mga tao ay hindi dapat gumagawa ng kalokohan.

“I gave you my trust. Alam ko na supposedly ginagawa mo na i-encash yung mga beans ng Bigo at mga gems ko sa Lyka. Sinabi mo na asikasuhin mo ‘to, pero imposible na hindi mo magawa sa madaling panahon,” aniya pa.

Kung hindi pa raw ito makikipag-ayos, baka raw magsampa na siya ng kaukulang kaso sa korte. Sabi naman ni Tulfo, papalitan na lamang niya ang P105,000 na nawala kay Lani bilang maliit na tulong sa pagpapagamot nilang mag-asawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat naman ang singer at napakanta pa dahil na rin sa dami nang mga nag-request na netizens na gustong marinig ang kanyang golden voice.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending