PAGASA may 3 sama ng panahon na binabantayan, Bagyong Goring ‘super typhoon’ na
PALAGING magdala ng payong at kapote dahil mukhang mas mapapadalas ang pag-ulan sa mag araw na ito.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), tatlong sama ng panahon ang kasalukuyan nilang binabantayan.
Ito ang Bagyong Goring at Southwest Monsoon o Hanging Habagat na umiiral sa bansa, pati na rin ang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng ating teritoryo.
Sa press briefing ng PAGASA ngayong araw, August 27, sinabi ng PAGASA na isa nang ganap na “super typhoon” at nagbabadya itong lumapit sa kalupaan.
“Kung mapapansin natin, halos malapit na sa kalupaan ang mata ni Goring, so basically may mga lugar tayong inaasahan na nakakaranas ng masungit na panahon,” sey ng Assistant Weather Services Chief ng PAGASA na si Chris Perez.
Baka Bet Mo: Bagyong Goring patuloy na lumalakas, itinaas ang Signal no. 1 sa bahagi ng Luzon –PAGASA
Dahil diyan, nananatili pa rin ang ang warning signals sa ilang lugar sa Luzon:
Tropical Cyclone Wind Signal No. 3
-
Estern portion of Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue, Ilagan City, San Mariano)
Tropical Cyclone Wind Signal No. 2
-
Eastern portion of mainland Cagayan (Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey, Santa Ana, Enrile, Tuguegarao City)
-
Northern and central portion of Isabela (Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Benito Soliven, San Guillermo, Jones, Echague, San Agustin, Angadanan, City of Cauayan, Naguilian, Gamu, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano, Quirino, Burgos, Reina Mercedes, Alicia, Luna, Quezon, Mallig, Roxas, San Manuel, Aurora, Cabatuan, San Mateo, San Isidro)
-
Extreme northern portion of Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dilasag)
-
Eastern portion of Quirino (Maddela)
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1
-
Batanes
-
the rest of Cagayan including Babuyan Islands
-
the rest of Aurora, the rest of Quirino
-
the rest of Isabela
-
Apayao
-
Nueva Vizcaya
-
Ifugao
-
Mountain Province
-
Kalinga
-
Abra
-
Eastern portion of Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Vintar, Carasi, Nueva Era, Banna, Marcos, Dingras, Solsona, Piddig, Dumalneg, Bangui)
-
Pollilo Islands
-
Eastern portion of Benguet (Bokod, Buguias, Kabayan, Mankayan)
-
Eastern portion of Nueva Ecija (Carranglan, Pantabangan, Bongabon, Gabaldon, Laur, Rizal)
-
Calaguas Islands
Huling namataan ang bagyo sa layong 95 kilometers silangang bahagi ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging 185 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 230 kilometers per hour.
Kasalukuyang kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers per hour papunta sa Timog.
Sinabi ng PAGASA na posibleng lumabas ng bansa ang bagyo sa darating Huwebes, August 31.
“Sa darating na Huwebes ng umaga ay halos nasa boundary na ito ng ating Area of Responsibility at posibleng tuluyan nang lumabas ng PAR at sa darating na Biyernes na umaga ay tuluyan na itong nasa labas ng PAR,” sambit ni Perez.
Samantala, bukod sa bagyo ay patuloy pa ring magpapaulan sa ating bansa ang Hanging Habagat.
“Patuloy naman itong pinag-iibayong Habagat o Southwest Monsoon kaya mapapansin natin ‘yung kaulapan dito sa Central and Southern Luzon at maging dito sa western section ng Visayas at sa Zamboanga Peninsula,” saad ng assistant weather services chief.
Nag-abiso rin si Perez na binabantayan din nila ang isang LPA sa labas ng bansa.
Dagdag niya, “Sa labas naman ng ating Area of Responsibility, isang Low Pressure Area ang tinatayang nasa layong 2,290 kilometers ang layo silangan ng gitnang Luzon.”
“Wala pa itong direktang epekto sa ating bansa subalit medium ang tsansa nitong mag-develop o maging isang ganap na bagyo in the next 24 to 48 hours,” paliwanag niya pa.
Read more:
PAGASA: Bagyong Goring naging ‘typhoon’ na, ilang lugar sa Luzon itinaas hanggang Signal No. 3
Bagyong Goring posibleng maging ‘typhoon’ sa darating na weekend – PAGASA
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.