PAGASA: Bagyong Goring naging ‘typhoon’ na

PAGASA: Bagyong Goring naging ‘typhoon’ na, ilang lugar sa Luzon itinaas hanggang Signal No. 3

Pauline del Rosario - August 26, 2023 - 01:54 PM

PAGASA: Bagyong Goring naging ‘typhoon’ na, ilang lugar sa Luzon itinaas hanggang Signal No. 3

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

ISA nang ganap na “typhoon” ang binabantayang Bagyong Goring!

Babala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang hagupit ng bagyo ay posibleng maramdaman sa malaking bahagi ng Luzon.

“‘Yung tinatayang sentro nito nasa dagat pa, pero pansinin natin ‘yung makapal na ulap nito na umaabot na sa may Northern Luzon area at maging dito sa may bandang Western section ng Northern Luzon,” sey ni Assistant Weather Services Chief ng PAGASA na si Chris Perez.

Aniya pa, “‘Yung track or extension nitong si Goring ay umaabot na. So generally, ‘yung Northern Luzon talaga sa ngayon ang directly affected ng Bagyong Goring.”

Baka Bet Mo: PAGASA: 10 hanggang 14 na bagyo ang aasahan sa bansa ngayong taon

Dahil lumakas nga ang bagyo, itinaas na hanggang sa Signal No. 3 ang ilang lugar ng Luzon.

Narito ang buong listahan ng mga lugar na inilagay sa Wind Signal warnings:

Tropical Cyclone Wind Signal No. 3

  • Northeastern portion ng Cagayan (Santa Ana) 
  • Extreme eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan)

 

Tropical Cyclone Wind Signal No. 2

  • Eastern portion ng Isabela (Dinapigue, San Mariano, Ilagan City, Maconacon, Cabagan, Tumauini, San Pablo)
  • Eastern portion ng Cagayan (Peñablanca, Baggao, Gattaran, Lal-Lo, Gonzaga, Santa Teresita, Buguey)
  • Northern portion ng Aurora (Dilasag, Casiguran)

 

Tropical Cyclone Wind Signal No. 1

  • Batanes
  • Nalalabing bahagi ng Cagayan including Babuyan Islands
  • Central portion ng Aurora (Dinalungan, Dipaculao)
  • Quirino
  • Nalalabing bahagi ng Isabela
  • Apayao
  • Eastern portion ng Nueva Vizcaya (Kasibu, Quezon, Diadi, Bagabag, Solano, Villaverde)
  • Eastern portion ng Ifugao (Lamut, Lagawe, Hingyon, Banaue, Mayoyao, Aguinaldo, Alfonso Lista)
  • Eastern portion ng Mountain Province (Barlig, Natonin, Paracelis)
  • Kalinga

 

Ayon sa 11 a.m. weather report ng ahensya, huling namataan ang bagyo sa layong 155 kilometers silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas na hanging 155 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 185 kilometers per hour.

Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 10 kilometers per hour papunta sa timog.

Dahil sa bagyo, asahan ang maulang panahon sa Cagayan Batanes, Isabela, at Aurora.

Mararanasan naman ang kalat-kalat na pag-ulan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley na dulot ng “trough” o extension ng bagyo.

Nand dulot naman sa umiiral na Southwest Monsoon o hanging habagat, uulanin ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, at ang natitirang bahagi ng Central Luzon.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal nang idineklara ng PAGASA

El Niño idineklara na sa bansa, magtatagal hanggang 2024 –PAGASA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending