El Niño idineklara na sa bansa, magtatagal hanggang 2024

El Niño idineklara na sa bansa, magtatagal hanggang 2024 –PAGASA

Pauline del Rosario - July 06, 2023 - 10:28 AM

El Niño idineklara na sa bansa, magtatagal hanggang 2024 –PAGASA

INQUIRER file photo

NAGSIMULA na sa ating bansa ang tinatawag na “El Niño phenomenon.”

Ito ang inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kamakailan lang.

Pero ano nga ba ang El Niño?

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ito ay isang climate pattern na lumiliit ang tsansa ng mga pag-ulan.

Ang ibig sabihin nyan, mas malaki ang posibilidad na magdulot ito ng dry spells, drought o agtuyot at iba pang negatibong epekto sa kapaligiran na nauugnay sa init.

Ang El Niño ay nangyayari isang beses kada dalawa hanggang pitong taon.

Huli naranasan sa Pilipinas ang ganitong klaseng klima noon pang last quarter ng 2018 hanggang sa third quarter ng 2019.

Baka Bet Mo: Relasyong Gerald-Julia hindi raw magtatagal ani Cristy Fermin

Nitong nakaraan lamang, sinabi ng PAGASA na ang El Niño ay magtatagal hanggang sa first quarter ng taong 2024.

“Pormal nang idineklara ng PAGASA ang pagkakaroon ng El Niño sa Dagat Pasipiko na maaaring magkaroon ng epekto sa bansa,” sey sa isang press briefing ni Ana Liza Solis, ang hepe ng Climate Monitoring and Prediction section ng PAGASA.

Nagbabala ang weather bureau na maaaring magsimula ang “rainfall reduction” o mabawasan ang mga pag-ulan sa bansa sa darating na Oktubre.

“Mayroong init na nangyayari sa Pacific…Suma total, ang epekto ay kulang ang ulan na dumarating sa Pilipinas,” paliwanag ng Department of Science and Technology Secretary na si Renato Solidum.

Ayon pa sa PAGASA, tinatayang hindi bababa sa 28 na mga lugar ang maaaring makaranas ng tagtuyot at kabilang na riyan ang Camarines Norte at Southern Leyte.

Nasa 36 na lugar naman ang tinatayang magkakaroon ng dry spells bago matapos ang taong ito.

Dagdag pa ng PAGASA, pagdating ng January 2024 ay at least 26 areas sa Luzon, kabilang na ang Metro Manila ang posibleng makaranas din ng “drought.”

“These are based on recent conditions in the Tropical Pacific, ito pong nade-develop na El Niño, which is weak pa lang po siya, and then nakikita po natin na pwede siyang mag-strengthen in the coming months,” saad ni Solis.

Aniya pa, “Therefore, uncertainty is high, and updates will be issued by PAGASA.”

Sinabi rin ng PAGASA na posible pa rin ang mga pag-ulan dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat.

Read more:

Bashers halos isumpa sina Derek at Ellen: ‘Hindi rin kayo magtatagal for sure!’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Arcilla binantaan ng netizen dahil sa Probinsyano: Relax ka lang, chill-chill lang po

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending