8 pangalan ng bagyo tsinugi na ng PAGASA; Onos, Lekep, Puwok pasok


ANG PANGALAN mo ba ay Amuyao? O Edring? O Josefa? Kung yes ang inyong answer, pwes magiging kapangalan n’yo na rin ang mga darating na bagyo sa Pilipinas.
Walong pangalan kasi ng bagyo noong 2024 ang pinagretiro na ng Philippine Atmospheric and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ayon sa PAGASA, inalis na sa listahan ng mga typhopn ang mga pangalang Aghon, Enteng, Julian, Kristine, Leon, Nika, Ofel, at Pepito.
Baka Bet Mo: Joey naging totoo at responsable sa 16 na anak; sumabak sa ‘name challenge’
Pero siyempre, may kapalit na rin agad ang mga “na-dethrone” sa listahan. Narito ang mga name na ipinalit sa mga nagretirong bagyo mula sa “reserved list” ng PAGASA.
1. Amuyao – pinalitan ang Aghon
2. Edring – pinalitan ang Enteng
3. Josefa – pinalitan ang Julian
4. Kidul – pinalitan ang Kristine
5. Lekep – pinalitan ang Leon
6. Nanolay – pinalitan ang Nika
7. Onos – pinalitan ang Ofel
8. Puwok – pinalitan ang Pepito
Sabi ng PAGASA, tsinugi ang walong pangalan sa listahan dahil sa laki at lawak ng naging epekto at pinsala nito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas noong nakaraang taon.
“A domestic tropical cyclone name is decommissioned or ‘retired’ if its passage directly resulted in the deaths of at least 300 individuals or caused damage to houses, agriculture, and infrastructure amounting to at least PHP 1 billion based on official reports from the Office of the Civil Defense (OCD),” pahayag ng PAGASA.
“However, due to the compounding impacts brought about by the successive typhoon passages during the last quarter of 2024, the names of all tropical cyclones that directly contributed to the compounding impacts were also decommissioned from the list,” ayon pa sa naturang ahensiya ng pamahalaan.
Ang taong 2024 na raw ang pinakamaraming “decommissioned names” mula nang magsimula ang naming scheme ng mga bagyo noong 2001.
Gagamitin naman ng PAGASA ang walong bagong pangalan sa darating na 2028 dahil sa rotation ng apat na set ng mga bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.