Lani Misalucha umaming nagkasakit: Nagkaroon po ako ng 'shingles'...ang chaka! | Bandera

Lani Misalucha umaming nagkasakit: Nagkaroon po ako ng ‘shingles’…ang chaka!

Ervin Santiago |September 25,2022
facebook
share this

Lani Misalucha umaming nagkasakit: Nagkaroon po ako ng ‘shingles’…ang chaka!

Ervin Santiago - September 25, 2022 - 12:37 PM

Lani Misalucha

“ANG chaka!” Ganyan inilarawan ng Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha ang sakit na dumapo sa kanya nitong nakaraang linggo.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ng Kapuso singer na magaling na siya ngayon matapos magkaroon ng shingles.

Sabi ni Lani, talagang naalarma at nabahala daw ang kanyang pamilya at mga kaibigan dahil sa kanyang biglaang pagkakasakit.

Ang caption ng award-winning veteran singer at performer sa kanyang IG post kung saan may hawak-hawak siyang isang tangkay ng malunggay, “Si Papa Nols kinunan pala ako ng picture hawak hawak ko ang malunggay. Nakakatuwa ang kwento ng malunggay na yan. Kwento ko na lang sa next post ko. Winner ang filter kaya di masyado halata ang mga scar sa mukha ko.

“Gusto ko lang magpasalamat muna. Sa lahat po ng nag message sa akin at nag hatid ng kanilang mga prayers and well wishes para sa aking daliang pag-galing, maraming maraming salamat po. Tunay po kayong mga anghel dito sa lupa.

“Marami pong curious kung ano ba talaga ang nangyari sa akin o anong sakit ang dumapo sa akin.  Nagkaroon po ako ng shingles. Ang chaka! Shingles ay chickenpox virus,” ang sabi pa ng biriterang singer sa kanyang post.

Nagpaalala rin ang dating judge ng Kapuso reality singing search na “The Clash” na pwede pa ring magkaroon ng chickenpox ang isang indibidwal kahit pa nagkaroon na niya nito noong bata.

“Kung nagkaroon na tayo ng chicken pox nu’ng bata pa tayo puwede siya umulit later in our life (in other words kapag MATANDA na) especially kung mababa ang resistensya o ang immune system ng katawan natin,” aniya pa.

Kasunod nito, nagpasalamat din siya sa lahat ng nagdasal at nagpadala ng mga mensahe para sa kanyang agarang paggaling.

“Thank you uli sa lahat ng inyong mga messages na nagpapalakas sa akin at sa mga nag deliver ng mga food sa bahay (na nagpataba naman sa akin),” sabi pa ni Lani.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, promise ni Lani, ichichika niya sa kanyang IG followers kung para saan ang malunggay na hawak niya sa susunod niyang post.

‘Nagmamadaling Jingle Bells’ ni Lani Misalucha swak na swak sa ‘karoling season’

Lani namatayan ng apo; problema sa pandinig dahil sa bacterial meningitis lumala

Sharon: Pag 55 na kayo at malapit-lapit ang itchura n’yo sa akin, chaka lang kayo magkaka-K mandiri! Yuck kayo!

Ai Ai, Lani, Christian sa The Clash 4: Hinahanap namin total package, pero sana mabait din, walang attitude

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending