Gigi De Lana sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina: Kasi baka ako 'yung reason | Bandera

Gigi De Lana sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina: Kasi baka ako ‘yung reason

Therese Arceo |August 16,2023
facebook
share this

Gigi De Lana sinisi ang sarili sa pagkakasakit ng ina: Kasi baka ako ‘yung reason

Therese Arceo - August 16, 2023 - 08:05 PM

Gigi De Lana sinisi ang sarili sa pagkakasakit  ng ina: Kasi baka ako 'yung reason
HINDI napigilan ng singer na si Gigi de Lana ang mapaluha nang mapag-usapan ang kanyang ina.

Sa naging interview niya kay Luis Manzano na mapapanood sa YouTube channel ng huli ay natanong ang dalaga ukol sa kanyang mga pinagdaraanan sa buhay.

Isa na rito ay ang aksidenteng kinasangkutan nila kung saan nabangga ang sinasakyan nilang van habang papunta sa isang gig sa La Union at ang naging sakit sa kanyang lalamunan.

Pag-amin ni Gigi, ang kanyang inang may sakit ang una niyang naisip nang malaman niyang maaaring hindi na siya makakanta.

“To be honest Kuya, hindi na siya gagaling. Ang ginagawa na lang namin is [to] prolong [her life].

“So I’m doing the best I can para kumita ng money for her para kung ano man ‘yung need ibigay sa kanya, maibibigay ko,” emosyonal na saad ni Gigi.

Pagpapatuloy niya, “I told her. Nasaktan ako noong sinabi ko ‘yun sa kanya kasi ako lang ‘yung pinagkukuhaan niya. Ako lang ‘yung nandoon para tumulong.”

Baka Bet Mo: Gigi de Lana nagpagupit ng buhok para sa inang may stage 4 breast cancer: ‘Gusto ko po halos parehas kami ng iksi ng hair’

Hindi niya personal na sinabi ang sitwasyon dahil hindi niya kayang humarap nang mahina sa ina.

“Parang ito lang ‘yung kaya kong gawin (pagkanta) tapos ito pa ‘yung mawawala. Ito pa ‘yung nag-stop na gawin ko,” lahad pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Dumating rin daw sa punto na sinisisi ni Gigi ang sarili sa lahat ng mga nangyari sa kanya.

“Dumating sa point Kuya Luis na I blamed myself for everything. Sa car accident, sa scam, sa voice, pati ‘yung nangyari sa mommy ko. I blamed myself for that.

“Kasi baka ako ‘yung reason kung bakit siya na-stress, kung bakit siya nagkasakit. Kasi ‘yung reason ng breast cancer niya is stress. So iniisip ko baka ako kasi ako ‘yung anak niya,” naluluhang sabi ni Gigi.

Sa ngayon ay patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay ang dalaga para sa sarili ay para sa inang may dinaramdam.

“Kapit lang tayo. Kahit anong mangyari, nandito lang ako. Hindi ako bibitaw. Ibibigay ko lahat ng kailangan mo. Mamahalin kita nang sobra sobra. ‘Wag ka nang ma-stress. Papasiyahin kita, ha? I love you Mama,” mensahe ni Gigi sa ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Gigi De Lana ‘tinira’ ulit ng bashers dahil sa iniindang sakit, bwelta niya: ‘Nakakaawa kayo, mga walang alam!’

Gigi De Lana 2 months na magpapahinga sa pagkanta, may ‘nodules’ sa lalamunan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending