Gigi De Lana ‘tinira’ ulit ng bashers dahil sa iniindang sakit

Gigi De Lana ‘tinira’ ulit ng bashers dahil sa iniindang sakit, bwelta niya: ‘Nakakaawa kayo, mga walang alam!’

Pauline del Rosario |May 01,2023
facebook
share this

Gigi De Lana ‘tinira’ ulit ng bashers dahil sa iniindang sakit, bwelta niya: ‘Nakakaawa kayo, mga walang alam!’

Pauline del Rosario - May 01, 2023 - 11:40 AM

Gigi De Lana ‘tinira’ ulit ng bashers dahil sa iniindang sakit, bwelta niya: ‘Nakakaawa kayo, mga walang alam!’

PHOTO: Instagram/@gigidelanaofficial

TILA nanggigil nanaman sa mga basher ang singer na si Gigi De Lana matapos husgahan sa kanyang iniindang sakit.

Kung maaalala, inanunsyo ng singer kamakailan lang na magpapahinga na muna siya sa ng dalawang buwan sa pagkanta.

‘Yan ay dahil na-diagnose siya na may “nodules” o bukol sa lalamunan.

Mula niyan ay nakakatanggap na siya ng mga komento na kaya siya nagkasakit ay dahil puro siya sigaw.

Hindi na nakapagtimpi si Gigi at ibinandera na sa isang Twitter post ang kanyang apela sa bashers.

“Yung may pinagdadaanan ka sa boses mo. Dami pa nag assume at nag judge kung bakit ako nag ka sakit sa throat. dahil puro sigaw daw ako?,” sey sa tweet ng singer.

Sey pa niya, “Haha kaawa kayo, mga walang alam,  basta maka-comment. “

Baka Bet Mo: Epal na bashers supalpal kay Gigi de Lana: ‘Ang lilinis n’yo, ah?! Apaka galing n’yong manghusga’

Ipinaliwanag pa niya na nagkasakit siya dahil sa kakatrabaho at upang mapagamot ang kanyang ina na may cancer.

“Malamang kakayod ako para sa nanay ko na may cancer. Ako lang anak niya eh. Sino kakayod?,” lahad niya sa post.

Libo-libong fans ang napa-comment sa tweet at nagpahayag ng suporta para kay Gigi.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Don’t listen to them, Ms. Gigi. You know more than them, so don’t stress. Rest well. I really love your voice. Take good care of it.”

“Grabe na ang mundo ngayon. Makapanakit na lang talaga. Hindi man lang mag-isip muna bago mag-type ng kung ano-ano [sad face emoji].”

“Bozz Gi, ignore na lang, may gawin ka man o wala, may masasabi pa rin sa‘yo ang mga nasa paligid mo, kaya gawin mo na lang ang nararapat. Magpakatatag po tayo.”

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinupalpal niya ang bashers.

Una nang inokray ng mga hater ang pagpapaikli niya ng hair na aniya’y may kaugnayan sa health condition ng kanyang inang may malubhang karamdaman at sumasailalim sa chemotherapy.

Pinakialaman din ng mga laitera at mga negatron sa social media ang kanyang pagpapa-tattoo sa kanyang balikat at braso, pati na rin ang mga sinusuot niyang sexy na damit.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:

Gerald may payo kay Gigi: Ako ang coach mo

Pangarap ni Gigi de Lana tinupad ni Regine: Bata pa lang ako idol ko na talaga siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending