Epal na bashers supalpal kay Gigi de Lana: 'Ang lilinis n’yo, ah?! Apaka galing n’yong manghusga' | Bandera

Epal na bashers supalpal kay Gigi de Lana: ‘Ang lilinis n’yo, ah?! Apaka galing n’yong manghusga’

Ervin Santiago |April 13,2023
facebook
share this

Epal na bashers supalpal kay Gigi de Lana: ‘Ang lilinis n’yo, ah?! Apaka galing n’yong manghusga’

Ervin Santiago - April 13, 2023 - 07:03 AM

Epal na bashers supalpal kay Gigi de Lana: 'Ang lilinis n’yo, ah?! Apaka galing n’yong manghusga'

Gigi de Lana

NA-BAD trip na nang bonggang-bongga ang Kapamilya singer-actress na si Gigi de Lana sa mga epal na bashers na walang ginawa kundi mangnega ng kanilang kapwa.

Niresbakan ng dalaga ang mga taong  patuloy na nanghuhusga at nanglalait sa kanya pati na ang mga netizens na nakikialam sa mga ginagawang desisyon sa kanyang personal life.

Una nang inokray ng mga haters ang pagpapaiksi niya ng hair na aniya’y may kaugnayan sa health condition ng kanyang inang may malubhang karamdaman at sumasailalim sa chemotherapy.

Nito lamang nagdaang mga araw, pinakialaman naman ng mga laitera at mga negatron sa social media ang kanyang pagpapa-tattoo sa kanyang balikat at braso.

Bwelta ni Gigi, “Just because I got a tattoo, again…A lot of people have judged my skin, my passion, and my heart. Some of them have good comments. But most of them are like, ‘She’s dirty now.’”

Pagtatanggol pa niya sa sarili, “Please, don’t judge. Lalo na you will never know the real whole story behind it.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I’m still me, but not the facade girl before. Just because I have a lot of tattoos does not mean I’m a bad person. I’m just different now. I’m stronger, I’m bolder, I’m more confident. And as much as I can, I don’t judge. And I grow every day.

“Let’s love one another. And stop controlling things that you cannot control,” dagdag pa niya sa kanyang Facebook post.

Kasunod nito, mas naging maaanghang pa ang pinagsasabi ng biriterang singer sa kanyang Facebook post, patungkol sa mga taong tinawag niyang “mapagkunwari” at “ipokrita.”

Baka Bet Mo: Epal na basher durog na durog kay Heart: UL*L…the only word your vocabulary can attain!

“Ang lilinis n’yo ah? Ano pa gusto n’yo sabihin?” simulang pagbabahagi ni Gigi.

“Ako naka-swimsuit bold star agad. Tinakpan ko pa nga yung pang-baba ko eh. Ako na nagpa-tattoo dirty na agad. Pati performance ko sasabihan n’yo ng wild?

“Apaka galing n’yo manghusga, pero pag sinagot comment n’yo or nainis kami sa mga comment n’yong pulpol, nagagalit kayo. Wag nga kayong mapagkunwari/hypocrite.

“Pero pag ibang bansa nag-perform ng hubot hubad matutuwa pa kayo eh. Hahaha.”

“Sige ganito na lang. Pag may scandal, or pag nakahubad at porno hindi lang kamay pumapalakpak sa inyo ‘di ba?” Wag kayo magmalinis. Wag kayo hugas-kamay,” pahayag pa ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐆𝐈𝐆𝐈 (@gigidelanaofficial)


Samantala, sa comment section ng kanyang FB post, nilinaw ni Gigi na hindi siya galit. Nais lang daw niyang ilabas ang kanyang nararamdaman sa patuloy na pangnenega sa kanya ng mga bashers.

“Hi mga mhieee. Di ako inis or galit hahaha. Hindi kasi lahat puwede nila ganyanin. Lalo na yung hindi kaya ihandle mga ganyan.

“Baka sila maging cause ng depression ng iba or worst is yung alam n’yo na. I was bullied and hindi na ako papayag na gawin nila sa iba ‘yan. Ako mismo ang lalaban.

“Mahal ko kayo mga supporters namin. Kaya salamat. Pero share n’yo ‘to. I want to spread awareness lalo na sa mga bullies. Yes need masanay. Pero I will never tolerate such attitude,” aniya pa.

Base naman sa mga nabasa naming komento mula sa kanyang mga FB followers, agree sila sa ginawang panunupalpal ni Gigi para maturuan ng lesson ang mga ito.

Resbak ni Awra sa mga tumawag sa kanya ng ‘baktol’ at ‘bato-bato’: ‘Apaka daming perfect, akala mo ang popogi at ang gaganda’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang sa mga epal na Marites: ‘Wala kayong alam! Kung isama ko kaya kayo sa demanda para maunawaan n’yo?’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending