Pokwang sa mga epal na Marites: 'Wala kayong alam! Kung isama ko kaya kayo sa demanda para maunawaan n'yo?' | Bandera

Pokwang sa mga epal na Marites: ‘Wala kayong alam! Kung isama ko kaya kayo sa demanda para maunawaan n’yo?’

Ervin Santiago |March 06,2023
facebook
share this

Pokwang sa mga epal na Marites: ‘Wala kayong alam! Kung isama ko kaya kayo sa demanda para maunawaan n’yo?’

Ervin Santiago - March 06, 2023 - 01:01 AM

Pokwang sa mga epal na Marites: 'Wala kayong alam! Kung isama ko kaya kayo sa demanda para maunawaan n'yo?'

Pokwang

WALANG makakapigil sa Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa pagpatol sa mga epal na netizens na nakikialam sa personal niyang buhay.

Ilang bashers na ang niresbakan at pinalagan ng komedyana sa social media at mukhang hindi siya titigil hangga’t patuloy ang pangnenega sa kanya ng mga haters at kumakampi sa ex-partner niyang si Lee O’Brian.

Sa isang social media post ni Pokey, sinabihan siya ng isang netizen na maging “thankful” and “grateful” sa pagkakaroon ng anak sa former partner niyang si Lee O’Brian.

Ito’y matapos na aminin ni Pokwang na hindi raw nagustuhan ni Lee ang pagbubuntis niya noon kay Malia  na isa sa mga kinimkim niya habang nagsasama sila bilang live-in partners.

Sinabihan din siya ng netizen na sa halip na maging bitter sa paghihiwalay nila ni Lee ay maging happy na lang siya sa buhay niya bilang single working mom.

“You should be thankful that you met him instead of being bitter. Because of him, you would not have a beautiful daughter, kung iba pa yung na meet mo baka hindi kasing ganda ang anak mo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Count your blessings instead of being hateful. Move on and be thankful for what you have!!! You are going to hate me but the more you talk, the more it shows your true character,” ayon sa isang @allieschultz777.

Ang bwelta naman sa kanya ni Pokey,  “Madali sa inyo sabiihan yan kasi hindi sa inyo nangyare tanga! At ipagdasal mo wag naman sana kayong lokohin at abusuhin gaga!

“Mentally at financially ang na invest ko sa kanya kaya ganito gagang ‘to! Wala kayong alam! Kung isama ko kayo sa demanda para maunawaan nyo?” matapang pang sabi ng komedyana sa netizen.

“Ano ang thankful na ako nagbayad sa lahat magmula sa prenatal checkup, vitamins, at pangangak ko ako lahat,” ang hirit pa niya sa kanyang reply.

Sabi pa niya, “Hindi magiging masaya ang anak namin kapag nalaman niya na batugan at ayaw sa kanya ng tatay niya, na nagalit nang malaman na buntis ako.”

Epal na basher pinatitigil si Sunshine sa paggawa ng dance challenge, mahiya naman daw sa 3 anak na babae

Sharon sa mga ‘negatron’: 2016 pa natin alam, sumobra na ang pambabastos nila sa kapwa!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagong pamatay na hugot ni Angelica: Hindi ako favorite child…ako po ‘yung maldita at kontrabida

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending