Bagong pamatay na hugot ni Angelica: Hindi ako favorite child...ako po ‘yung maldita at kontrabida | Bandera

Bagong pamatay na hugot ni Angelica: Hindi ako favorite child…ako po ‘yung maldita at kontrabida

Ervin Santiago |November 29,2022
facebook
share this

Bagong pamatay na hugot ni Angelica: Hindi ako favorite child…ako po ‘yung maldita at kontrabida

Ervin Santiago - November 29, 2022 - 01:45 PM

Bagong pamatay na hugot ni Angelica: Hindi ako favorite child...ako po ‘yung maldita at kontrabida

Angelica Panganiban

“HUWAG kayong puchu-puchung mga artista, huwag kayong mga charot-charot!” Yan ang paalala ni Angelica Panganiban sa lahat ng mga baguhang artista ngayon.

Maraming hugot ang aktres at first-time mommy nang ibahagi niya ang kanyang speech nang tanggapin kanyang ang award para sa 28 years niya bilang Star Magic artist.

Isa si Angelica sa mga binigyan ng pagkilala sa Star Magical Christmas thanksgiving event na ginanap sa Sheraton Manila Hotel sa Pasay City.

Bago siya tawagin on stage, ipinalabas muna ang isang video na naglalaman ng mga highlights ng kanyang career na tumatakbo na ng tatlong dekada.

“This is so unfair. Napakarami kong katrabaho sa industriya para maabot ko itong ibinibigay nila sa akin. This is so unfair!” simulang mensahe ni Angelica.

“Siyempre, ang saya ko na binibigay ninyo ito sa akin, itong recognition na ito. Thank you so much. Pero ang dami kong kasama para ma-achieve ito,” aniya pa sa video na in-uploaded ng kaibigan niyang si DJ Jhai Ho.

Sa isang bahagi ng kanyang speech, nagbigay nga ng advice ang aktres sa mga baguhang artista pati na sa lahat ng mga nangangarap na pumasok sa mundo ng showbiz.

“Napapansin ko kasi napakaraming younger artists na nag-a-aspire na maging artista rin, na gusto ring tahakin itong kung anumang nangyayari sa amin. Alam niyo, siguro, patience. Patience, tiwala, communication.

“Tatag ng loob. Paulit-ulit kayong susuko. Sasabihin niyo, hindi yata ito para sa inyo. Pero magugulat na lang kayo, isang araw, binibigay nang binibigay, pinapamukha na para sa ‘yo nga yata,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


Pagpapatuloy pa niya, “Ako, naniniwala ako, hindi ako naging paborito. Hindi ako favorite child. Hindi ako ‘yung cute na baby na ito ‘yung ilalagay nila, ito ‘yung mangunguna kasi ang ganda nito, kasi ang taba ng luha nito. Hindi po ako ganu’n. Ako po ‘yung maldita, ako po ‘yung kontrabida.

“Kaya noong binigay ako ni Sir Deo ng chance na maging bida-kontrabida sa ‘Rubi,’ ginrab ko na ‘yung opportunity na ‘yun,” dagdag ng aktres na ang tinutukoy ay ang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.

“Ang pinaka-success talaga, kailangan niyo makinig lahat, kailangan niyong maging mabait sa lahat ng katrabaho niyo, sa lahat ng staff, ng crew, ng utility. Lahat ng ‘yun, magiging boss niyo one day. Maniwala kayo sa akin!

“Lahat ng PA na tinatawag kayo, ‘Ma’am Angge, kayo na po.’ Sasabihin niyo, ‘Sige, mamaya na, kasi nakikipagkuwentuhan pa ako, nagpapa-make up pa ako.’

“Ay, hindi! Susunod na, executive producer niyo na po siya! At sasabihin niya, ‘Huwag niyo kunin ‘to, matagal magpa-make up ‘yan!’” sabi pa ni Angge na sinundan ng malakas na tawanan at palakpakan.

Pahabol pa niyang paalala, “Maging mabait kayo sa lahat! Huwag kayong puchu-puchung mga artista. Huwag kayong mga charot-charot! Ayusin niyo from the beginning, at gamitin niyo ang talent ninyo.

“Good night, have fun, Merry Christmas!” pagbati pa ni Angelica.

Zanjoe habang nagte-taping ng bagong serye: Para kayong namboboso, ganu’n ‘yung naramdaman ko

Darren umiiyak na naglabas ng saloobin sa mga magulang: Hinding-hindi ko kayo gustong bastusin, ever…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

KimXi perfect loveteam para sa nanay ni Xian: Wala kayong scandal, wala kayong third party, it’s very pure…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending