KimXi perfect loveteam para sa nanay ni Xian: Wala kayong scandal, wala kayong third party, it’s very pure... | Bandera

KimXi perfect loveteam para sa nanay ni Xian: Wala kayong scandal, wala kayong third party, it’s very pure…

Ervin Santiago - October 03, 2022 - 03:48 PM

KimXi perfect loveteam para sa nanay ni Xian: Wala kayong scandal, wala kayong third party, it’s very pure...

Mary Anne Lim, Xian Lim at kKm Chiu

WISH ng nanay ni Xian Lim na si Mary Anne Lim na sana’y pang-forever na nga ang pagmamahalan ng kanyang anak at ng girlfriend nitong si Kim Chiu.

Sa unang pagkakataon, sabay na nakasama ng Kapamilya actress at TV host sa pinakabago niyang YouTube vlog si Xian at ang nanay nitong si Mary Anne.

Dito nga nila napag-usapan ang ilang mahahalahang bagay tungkol kay Xian — mula sa mga pangarap nito noong bata pa hanggang sa pambu-bully sa binata noong nag-aaral pa at kung paano ito napasok sa mundo ng showbiz.

Sa isang bahagi ng video ay nagbigay ng reaksyon si Mary Anne tungkol sa tambalan nina Xian at Kim. Alam n’yo bang may isang pelikula ang KimXi na hindi niya type?

View this post on Instagram

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)

“Pinakagusto ko ‘yung ‘Bride for Rent.’ Gusto ko rin ‘yung ‘Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?’ Ayaw ko ‘yung ‘Past Tense,’” diretsahang sabi ng nanay ng aktor at direktor.

Ano naman favorite memory niya kasama si Kim, “Marami na. Lalo na kapag nag-iinvite kami kay Kim. Kahit na simple lang ang food, gustong gusto ni Kim. Hindi naman ako marunong magluto. Ha-hahaha!”

Sabi pa ni Mary Anne super proud siya sa tagumpay na narating nina Kim at Xian at nagpapasalamat siya dahil kahit kailan ay hindi nasangkot sa anumang iskandalo ang magdyowa.

Ang wish naman niya sa KimXi, “Siyempre ‘yung forever kayo. That explains everything. Forever.

“I’m happy nagkakasundo kayo. Wala kayong scandal, wala kayong third party. It’s very pure. I’m very proud. I can say perfect love team. Ganu’n ang KimXi. It transcends all generations,” aniya pa.

Samantala, may isang pangarap din si Mary Anne kay Xian, “Ang dream ko sa kanya noong bata pa siya, gusto ko sa kanya maging concert pianist. Pero gusto ko rin kahit ano, basta happy siya.”

Sey naman ng binata, “Si Mom naman sobrang supportive niya when it comes to career. Hindi naman siya rin parang, ‘Ito ‘yung kailangan mong gawin.’

“Even nu’ng sinabi ko sa kanya gusto kong maging basketball player, agad na ibinenta ni Mommy ‘yung bahay namin, ‘yung kotse sa US and punta kaagad kami rito in a matter of three months.

“Kasi sinabi ko kay Mom gusto ko maging basketball player. Hindi nga niya tinanong kung ‘Magaling ka ba anak?’ Walang ganu’n,” sabi ni Xian ma sinagot ng kanyang ina ng, “Kasi ganu’n eh. You have to follow your child’s heart.”

Pagpapatuloy ni Mary Anne, “Nabanggit mo ‘yung life in the US. There was a time I cried, not so much with the tears pero ‘yung emotion. Pinatawag ako ng teacher niya. He was in middle school. Kakarating lang namin sa US.

“Sabi niya, ‘Your son is not speaking in class.’ Sabi ko, ‘What do you mean?’ ‘He just sits there.’ Sabi ko, ‘That’s understandable, he just arrived. I took him from his friends. I took him away from home, from his cousins. Maybe he’s just sad. Give him time.’

“Sabi niya, ‘I think because he doesn’t speak English. I have to put him in a class that doesn’t speak English so he can be taught English.’ Sabi ko, ‘No, he speaks English.’ Gusto kong sabihin sa kanya, ‘Excuse me? I think he has perfect grammar than you do.’

“Sabi ko, ‘Did you try talking to him?’ ‘No  But I have already made my decision.’ ‘Oh, you already made your decision. I think I’m just being discriminated upon. I’m an Asian, I just arrived here.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“From the moment I talked, you never gave me a chance to explain myself. So you just judged my son. So this is a racist thing.’ Nung nabanggit ko ‘yung racist, bumait siya,” pagbabahagi pa ng nanay ni Xian.
https://bandera.inquirer.net/304633/xian-lim-inirereklamo-sa-basketball-noong-bata-dahil-super-tangkad
https://bandera.inquirer.net/288241/mama-mary-nagpakita-raw-sa-dating-aktres-na-si-nina-jose-matapos-maaksidente-sa-suob
https://bandera.inquirer.net/312825/xian-lim-hindi-pa-handang-maging-tatay-spiritually-i-think-i-need-a-proper-mindset-for-it
https://bandera.inquirer.net/325512/anak-ni-joko-diaz-sinuwerte-agad-sa-showbiz-bibida-sa-urband-legend-na-mary-cherry-chua

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending