Zanjoe habang nagte-taping ng bagong serye: Para kayong namboboso, ganu'n ‘yung naramdaman ko Bandera

Zanjoe habang nagte-taping ng bagong serye: Para kayong namboboso, ganu’n ‘yung naramdaman ko

Ervin Santiago |October 14,2021
share this

Zanjoe habang nagte-taping ng bagong serye: Para kayong namboboso, ganu’n ‘yung naramdaman ko

Ervin Santiago October 14, 2021 - 09:03 AM

Sue Ramirez, Zanjoe Marudo at Jodi Sta. Maria

SIGURADONG kaiinisan at isusumpa raw ng madlang pipol si Zanjoe Marudo kapag ipinalabas na ang teleseryeng “The Broken Marriage Vow” sa ABS-CBN.

Mismong ang Kapamilya actor ba ang nagsabi na inaasahan na niya ang galit ng mga manonood sa karakter niya bilang isang mister na iniwan ang kanyang misis dahil sa mas batang babae.

Ang “The Broken Marriage Vow” ay ang Philippine adaptation ng BBC One drama series na “Doctor Foster” at “World Of The Married” naman ng South Korea. 

Makakasama ni Zanjoe rito si Jodi Sta. Maria bilang legal wife at Sue Ramirez na siyang gaganap na kabit. Si Zaijan Jaranilla naman ang magiging anak nina Zanjoe at Jodi sa kuwento.

“Maaasar kayo sa akin, maaasar talaga kayo sa akin dito sa show na ‘to,” sey ng aktor sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya pa, “Talagang gagawin ko ‘yung best ko para kahit paano, mainaintindi sa audience kung bakit may ganoong klaseng tao, kung bakit napupunta siya sa ganoong sitwasyon, kung bakit ka nagmamahal ng dalawang babae.

“Alam kong mali. Alam kong hindi siya tama, dahil may mga natatapakan, may mga nasasaktan. Pero sana, sa show na ‘to, maipaliwanag kung bakit napupunta sa ganoong sitwasyon ang tao, babae man ‘yan o lalaki,” paliwanag ni Zanjoe.

Zanjoe 15 years na sa showbiz: Ang tagal na pala…mahal na mahal ko yung ginagawa ko

Samantala, bilib na bilib naman ang binata sa buong production ng serye, “Ang galing ng setup ng camera, hindi siya typical. Siguro, puwede kong sabihin, parang mata niyo (manonood) ‘yung camera. Para kayong namboboso. Ganoon ‘yung naramdaman ko.

“Para kayong kapitbahay na, ‘Ano’ng nangyayari sa pamilyang to?’ Ganoon ‘yung ipinaramdam sa akin ng camera movement at placement. Kasali ang audience, parang mata nila ‘yun,” chika ni Zanjoe.

Dagdag pang mensahe ng award-winning actor, “Ngayon lang ako nakaramdam ng habang ginagawa pa ‘yung show, hindi pa pinapalabas, positive na ‘yung nararamdaman ko. 

“Nagiging proud na agad ako, hindi pa man tapos, wala pa man sa kalahati. Nandoon na ‘yung pagiging proud ko doon sa show,” sey pa ni Zanjoe.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending