Epal na basher pinatitigil si Sunshine sa paggawa ng dance challenge, mahiya naman daw sa 3 anak na babae | Bandera

Epal na basher pinatitigil si Sunshine sa paggawa ng dance challenge, mahiya naman daw sa 3 anak na babae

Ervin Santiago |October 13,2022
facebook
share this

Epal na basher pinatitigil si Sunshine sa paggawa ng dance challenge, mahiya naman daw sa 3 anak na babae

Ervin Santiago - October 13, 2022 - 08:29 AM

Epal na basher pinatitigil si Sunshine sa paggawa ng dance challenge, mahiya naman daw sa 3 anak na babae

Sunshine Cruz, Angelina, Sam at Franchesca Cruz

MATAPANG na niresbakan ng aktres at celebrity mom na si Sunshine Cruz ang mga epal at pakialamerang bashers sa social media.

Pati kasi ang mga dance challenge videos na ginagawa niya at ipino-post sa kanyang socmed accounts ay pinakikialaman at ninenega ng ilang netizens.

Banat ng mga haters, sa edad daw niyang 45 ay hindi na raw siya dapat nakikiuso sa mga ginagawa ng mga kabataan ngayon sa socmed, lalo na ang mga pa-sexy dance challenge.

Ayon pa nga sa isang basher hindi raw magandang tingnan para sa isang nanay na may tatlo nang dalagang anak ang kanyang ginagawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


May isa namang tumawag sa kanya ng “trying hard” at tigilan na ang pagpo-post ng mga dance challenge sa kanyang socmed account. Bigyan naman daw niya ng kahihiyan ang tatlong babaeng anak nila ni Cesar Montano.

Pinalagan naman ito ni Sunshine at sinabing wala sa edad ang paggawa ng mga bagay na magpapasaya sa kanya lalo pa’t wala naman siyang inaagrabyado o inaapakang tao.

Ni-repost ng aktres ang ilan sa pang-ookray sa kanya ng isang netizen. Pambabasag nito kay Shine, “Sudden dancing Online? Why?

“Stop it Ms Sunshine Cruz just stop it. Entertainment’s Non’Vibes as a parent to three growing ladies.

“Keep’Up the past and usual aura. That’s the way to be Happier and Gay,” hirit ng hater.

Bwelta ni Sunshine, “Being a parent/mom/dad shouldn’t be a hindrance to not have fun, sing or dance.

“Feel free to unfollow if you are uncomfortable with my posts,” aniya pa.

Nilagyan pa ni Sunshine ng caption ang kanyang post, “Nope i wont stop. Fun knows no age limit everyone.”

Dagdag pa ng single mom, “My children encourages me to have fun, dance, sing and live my life to the fullest.

“I am proud of them and I know they are proud of me too,” sabi pa ng ex-wifey ni Cesar.

Kasunod nito, pinaalalahanan din ni Sunshine ang mga kapwa niya  babae at mga magulang na i-enjoy lang ang buhay at huwag na huwag magpapadikta sa ibang tao.

Isa si Sunshine sa mga celebrities na talagang sumasagot at pumapatol sa mga bashers lalo na kapag mga anak na niya ang tinitira ng mga ito.

https://bandera.inquirer.net/308438/sunshine-cruz-sa-netizen-na-pumansin-ng-kanyang-sexy-outfit-i-dont-think-may-chart-ang-attire-according-to-age

https://bandera.inquirer.net/314098/sunshine-todo-pasalamat-kay-diego-sa-pagiging-protective-and-best-kuya-sa-kanyang-tres-marias

https://bandera.inquirer.net/306413/cristy-fermin-tinawag-na-epal-ang-ama-ni-james-reid

https://bandera.inquirer.net/322950/sunshine-cruz-sa-muling-pagkikita-nila-ni-cesar-montano-gods-perfect-timing

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending