Cristy Fermin tinawag na ‘epal’ ang ama ni James Reid
WALANG patumpik-tumpik ang naging komento ng kolumnistang si Cristy Fermin labas sa ama ni James Reid na si Malcolm Reid.
Sa kanyang column sa isang pahayagan ay tahasan niyang sinabi na consistent raw sa pagiging “epal” ang ama ng singer-actor.
Matatandaan na nitong nakaraang linggo ay lumipad patungong Los Angeles, USA si James. Kumalat pa nga ang mga larawan nito noon sa airport pati na rin ang mga larawan at video ng kanyang pagtapak sa LA.
Walang kumpirmasyon si James kung for good na nga ba ang pananatili niya sa LA o kahit ang rason kung bakit ito nagpunta sa US pero marami ang mga chikang nais raw i-pursue ng aktor ang kanyang pangarap na maging international singer.
Bukod pa rito, sa Los Angeles rin kasi naka-base ang label and artist management company na Transparent Arts kung saan nakapirma si James noong October 2020.
Pero nagsalita ang ama ng singer-actor at pinabulaanan ang balitang kumakalat.
“With James at NAIA a few days ago. On his way to LA for recording sessions and to visit his brother Andrew. That’s it,” paglilinaw ni Malcolm.
Dagdag pa niya, “Anything else is basura… sorry to disappoint the fake newsmakers.”
View this post on Instagram
Comment naman ni ‘Nay Cristy, “Ayan, nagalit ang tatay ni James Reid. Fake news daw ang mga naglalabasang kwento na sa America na hahanapin ng kanyang anak ang magandang kapalaran.
“Dadalawin lang daw ni James ang kanyang kapatid, hindi raw siya maghahanap ng trabaho sa bansa ni Uncle Sam.”
Ikinuwento rin ng kolumnista kung paano naging “epal” ang ama ng aktor.
“Hindi nakapagtataka ang pakikisawsaw ng ama ni James Reid sa issue. Kahit naman nu’ng kasagsagan ng popularidad niya ay laging kasali ang tatay niya sa maraming kuwento.
Dagdag pa nito, nais daw ng ama ng aktor na palaging kasali sa career ng anak na ikinairita raw ng mga nag-aalaga rito.
“Stage father ang tatay ni James. Palagi itong kasali sa aksyon na ikinairita ng mga nangangalaga sa career ng binatang aktor,” sey ni ‘Nay Cristy.
Sa ngayon ay wala pa namang comment si Ginoong Malcolm ukol sa mga sinabi sa kanya ng kolumnista.
Bukas naman ang Bandera sakaling naisin nitong maglabas ng pahayag ukol sa mga inilahad ni ‘Nay Cristy patungkol sa kanya.
Related Chika:
Tatay ni James Reid tinawag na ‘basura’ ang balitang ‘for good’ na ang anak sa US
‘Sayang na sayang ang loveteam nina James at Nadine!’ — Cristy Fermin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.